16

33 3 0
                                    

//—•—//

Tama na ang pagpapanggap,
hindi ka naman tunay na masaya,
ipakita mo kung sino ka,
alam kong matapang ka.

bakit kailangan mong baguhin ang sarili mo?
para pakisamahan ka nila?
para piliin ka nila?
o para mahalin ka nila?

hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo,
para lang magustuhan ka ng ibang tao.
dahil ang tunay na nagmamahal sa'yo,
tatanggapin ka ng buong-buo.

sabi nila, dapat masaya ka,
pero paano ka magiging masaya,
kung ang nakapaligid sa'yo,
puro panghuhusga?

oo, hindi tayo maganda,
pero nakita na ba nila,
kung ano ang tunay na ugali,
ng panget na kanilang hinuhusgahan?

kaya mahirap maging masaya,
kung bawat paglabas mo sa tahanan mo,
maraming matang nakasunod sa'yo,
patuloy kang hinuhusgahan.

bakit hindi nila matanggap
ang tunay na ako?
bakit hindi nila kayang mahalin,
kung ano ang kalagayan ko?

mahirap ba akong tanggapin?
sabagay, hindi nga pala ako kagandahan,
hindi nga pala ako katalinuhan,
kagaya ng iba.

isa lang akong hamak na babae,
na mahirap maging masaya,
na wala ni katiting na talento,
wala daw akong pag-asa sa buhay.

hindi sila naniniwala sa kakayahan ko,
kaya mahirap maging masaya,
kunting galaw mo lang,
huhusgahan kana nila.

__✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon