18

30 3 0
                                    

//—•—//

"Insecurities."

tingin sa kanan, tingin sa kaliwa,
hindi mapakali ang mata kung saan tutugma,
mga salita sa isipan
na puro panlalait lang naman.

nagtatakip ng bibig,
natatakot na baka husgahan,
kaya nahihiyang ipakita,
ang tunay na mukha.

sabi ni Andrew E,
'humanap ka ng panget at ibigin mong tunay',
pero bakit sa panahon ngayon,
maganda ang laging panalo?
tama nga ang kanta ni Donalyn,
na kahit panget sa panahon ngayon, nagluluko na rin.

ang hirap magtago sa likod ng maskara,
ang hirap humarap sa maraming tao,
ang hirap ipakita ang tunay na ikaw,
ang hirap maging totoo.

at mas lalong mahirap tanggapin,
na hinuhusgahan ka nila dahil sa hindi ka kagaya ng iba.
ang hirap ng ganitong sitwasyon,
na kahit sarili mo, hindi mo kayang ipagtanggol.

kailan magkakaroon ng lakas ng loob,
para humarap sa maraming tao?
kailan magkakaroon ng payapang puso,
at matanggap ang tunay na pagkatao?

nakakapagod magtago sa facemask,
nakakapagod umiyak,
tuwing nakakarinig ng masasakit na salita,
hindi na alam kung ano ang dapat na gawin.

isa lang naman ang gusto ko,
ang matanggap sa kung ano ako,
ang matanggap ang tunay na ako,
ang MAHALIN NG TOTOO.

__✍︎: JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now