03

84 6 0
                                    


"KAIBIGAN"

Masaya daw kung tawagin
Parang isang musika kung Ito'y pakinggan
Pero ang tanong,
Totoo nga bang masaya kung ipinapaparamdam naman saiyong hindi ka kaisa sa kanila?
Totoo nga bang parang musika
Kung sa bawat pagpatak ng luha sa iyong mata ay sila ang iyong nakikita?

Akala ko totoo,
Akala ko kaibigan ko kayo,
Ngunit bakit?
Bakit kailangan niyong iparamdam sa aking isa akong laruan na pwedeng ipamigay matapos pagsawaan?

Hindi ba ako naging sapat sa standard niyo bilang kaibigan?
O hindi niyo na ako kailangan?
Itinuring ko kayong parang kapatid,
Ngunit kung ituring niyo ako'y isang bagay matapos pagsawaan.

Ang sakit sa dibdib na kahit ilang beses kong subukang 'wag isipin,
Paulit-ulit na bumabalik,
Iiyak sa dilim sa takot na makita at sabihan ng 'ang OA' mo.
Iiyak sa isang sulok dahil mas masakit pa ang ipagtabuyan ng kaibigan kaysa iwanan ng kasintahan.

Hindi ko akalain na ganito kalaki ang epekto sa akin ng simpleng pagtaboy niyo,
Maliit para sa inyo, pero ako'y apektadong-apektado.
Sapagkat kaibigan ko kayo,
Ngunit kaibigan nga ba ako para sa inyo?

__✍︎ : JustUnUglyGirl

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now