44

1 0 0
                                    

//—ANG EDUC AY PARA SA EDUC—//

Para kanino nga ba ako?
May nakita kasi akong shared post sa facebook
Ang sabi "Ang educ ay para sa Crim."
Totoo ba? Paano naman ako?
Na sa kapwa ko Educ student nahulog?

Habang nagre-report ka sa harapan
Ako'y pasimpleng pumapalakpak sa 'yong kahusayan,
Sa akin ikaw'y titingin ng panandalian
Ngunit kakabahan nang ako'y iyong tawagin,
Para sagutin ang 'yong katanungan.

Nung nakita kita noong unang pasukan
Ako'y nahulog na sa'yo ng tuluyan.
Akin lamang kahilingan
Makasama ka nawa hanggang
Sa tayo'y makapasa sa board exam.

Hindi man ito masambit ng tuluyan sa 'yong harapan
Gagamitin ang tulang ito
Upang iyong malaman ang tunay na nararamdaman.
Kung hindi man totoong Educ ay para sa Educ,
Dalangin kong makahanap ka ng iyong Crim.

Nawa'y makita kita sa isang paaralan,
Isang ganap na gurong nagtuturo sa kabataan.
Alam ko, hindi lang bata ang 'yong matuturuan
Kundi ang isang gurong kagaya ko
Na minsa'y tinuruan mo kung paano magmahal.

_✍︎: JustUnUglyGirl || naka-upo habang sinasagutan ang mga school works.

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now