08

58 2 0
                                    

"Nakita kita"

Nakita kita kung paano ka lumaban,
Kung paano mo pinahalagahan yung mga taong nagpahalaga din sa'yo,
Kung paano ka tumayo sa sarili mong mga paa,
Para patunayan sa kanila na kaya mo.

Nakita kita kung paano ka naging masaya sa mga ginagawa mo,
Nakita kitang pinagtanggol ang mga nasa paligid mo,
Kung paano ka naging matatag para sa sarili mo,
Nakita kita na hindi sumuko kahit talo kana,
Lumaban ka pa rin kahit nasasaktan kana,
Ngayon kapa ba susuko kung kailan malapit kana?
Kunti na lang maabot mo na yung gusto mo,
Yung mga pangarap mo unti-unti mo ng natutupad,
Susuko ka pa ba?

__✍︎: Janna

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon