39

6 0 0
                                    

//—•—//

gusto kong lumaban,
gusto kong sumagot
ngunit nanatili akong tahimik,
kasi ayaw kong makasakit.

kahit na ako yung nasasaktan,
kahit ako na yung nahihirapan,
nananatili pa rin akong tahimik,
dahil ayaw ko ng gulo.

ngunit sa kabila noon,
mayro'ng kirot dito sa dibdib,
may bigat na nararamdaman,
na hindi ko malabas dahil sa katahimikan.

ano bang saysay nitong aking damdamin,
kung hindi rin kayang pahalagahan
ng mga taong nasa paligid?
anong saysay?

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now