23

6 1 0
                                    

//—•—//

Sa isang relasyon,
kailangan ba perpekto?
sa isang relasyon,
kailangan ba palaging masaya?

kasi kung 'yan ang basehan ng isang relasyon,
mas mabuti sigurong mapag-isa.
mas mabuti sigurong maging masaya,
kasama ang kaibigan at pamilya.

hindi ko kailangang mag adjust,
para sa relasyong kasiyahan lang ang hanap.
hindi lahat ng relasyon masaya,
at higit sa lahat walang perpekto.

lahat dumadaan sa pagsubok,
lahat dumadaan sa sakit,
lahat dumadaan sa lungkot,
lahat dumadaan sa hirap.

kaya kung ayaw mo ng mga 'yan.
piliit mong mapag-isa.
piliit mong mahalin ang sarili mo,
bago ka magmahal ng iba.

//—•—//

Tala, Tula, Tinta At Tayo | Poem CollectionWhere stories live. Discover now