02

1K 70 25
                                    

It was another friday night again. Greggy picked up Vida from school, because Vida's staying with him for the weekends. They just finished their dinner and they're tucked in bed now.

They're watching The Parent Trap, ilang beses na nila itong napapanood and yet, hindi pa rin nagsasawa si Vida rito. This is the movie that they're always watching whenever they're together.

"What if I'll put that trap to you and Mom, Dad?" biglang sabi ni Vida sa ama.

Greggy chuckled, "Sus! Kahit hindi ka na mag-trap, ganyan naman ginagawa mo sa'min ng Mommy mo."

Vida smooched closer to her Dad and leaned on his shoulder. "Sus! Gusto mo naman eh,"

Mahinang kinurot ni Greggy ang pisngi ng anak. "I just don't like scolding and telling you what to do. Palagi kaya kitang kinukunsinti, kaya napapagalitan ako ng Mommy mo!"

Ngumisi si Vida. She's one hell of a spoiled daughter to her Dad. Hindi siya gaano nitong napapagsasabihan, mas natatalakan pa siya ng Mommy niya.

"Uy! Iniisip si Mommy," pang-aasar niya kay Greggy.

"Ang dami mong entry pag binabanggit ko ang Mommy mo 'no? Hindi pwedeng naalala lang?"

"Sus! Just admit it that you're thinking of Mommy, Daddy..." kiniliti pa ni Vida ang ama kay natawa ito ng bahagya.

Niyakap ni Greggy ng mahigpit si Vida na para bang hindi pa malapit ito. "Paano ko hindi maiisip ang Mommy mo, 'e katabi ko ngayon ang copy-paste niya?"

Vida let out a soft chuckle, "Kaya hindi mo malimot-limot si Mommy eh,"

Ipinulupot ni Vida ang braso niya sa tiyan ng ama at hindi namalayan at nakatulog na ito.

Napangiti si Greggy, "Kaya nga siguro." bulong niya at hinagkan ang ulo ng nag-iisang anak.

Morning came, nagising si Vida na hindi maramdaman ang ama. Kinapa niya ang kama habang nakapikit ang mata. She opened her eyes and roamed around the room, wala ang Daddy niya sa kwarto.

"Daddy?" sigaw niya, walang sumagot sa kanya.

She sat on the bed and pressed that one button on the intercom that would be heard in the whole house, and spoke to it.

"Daddy? I'm awake. Dad," pagsasalita niya sa intercom.

"I'm in the kitchen, sweet pea. Come down," rinig niya sa buong kwarto ng Daddy niya.

She tied her hair in a bun at pumunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush, bumaba na siya sa kusina pagkatapos. She hugged Greggy from the back while he was cooking breakfast.

Nilingon ni Greggy galing sa likod ang anak at hinagkan ang noo nito. "Wonderful Morning, my darling."

"Wonderful Morning, Dad!" she greeted back at inabot ang pisngi ng ama para halikan.

"Umupo ka na, patapos na ako... Your milk's ready,"

Sinunod ni Vida ang utos ng ama, she sat down and drank the glass of milk. She always gets this princess treatment.

"Have you called Mom, anak?" tanong ni Greggy habang nililipat ang mga pancakes sa isang plato.

"Nope, tatawag pa lang po."

Kinuha ng dalaga ang telepono sa bulsa at tinawagan ang ina, agad naman itong sumagot.

"Moms! Wonderful Morning!" masaya niyang bati, agad niyang nakita ang napakatamis na ngiti ng ina.

"[Wonderful Morning, my lovely girl! Have you eaten, my love?]"

"I'm about to eat, Dads just finished cooking. We're having pancakes and I just had my milk, Moms." pagpapa-alam niya sa ina. "How about you, Mom?"

A Lifetime ConnectionWhere stories live. Discover now