03

982 74 24
                                    

Hindi natuloy ang pagme-meet ni Vida at Anne. It was cancelled because Anne had an emergency, nagkasakit ang anak nito. Hindi na pumunta si Vida sa bahay ng Dad niya since may get-together ang pamilya Marcos.

"Babe, let's go na? Mama and Papa are waiting," sabi ni Irene, pertaining to Imelda and Ferdinand.

"Yes, Mommy, sure." tumayo na si Vida sa pagkakaupo sa sofa at sumunod na sa ina nito patungong sasakyan.

They'll be going to San Juan to have lunch together. Hindi masyadong hectic ang schoolworks ni Vida kaya mas nakakagala at nakakapahinga ito.

In fact, Irene was glad that hindi masyadong busy si Vida sa school. She wants her daughter to have a proper rest and a healthy mind. May mga araw kasi na hindi na lumalabas sa kwarto si Vida dahil sa mga schoolworks, at 'yun ang pinag-aalala niya.

When Vida wants to achieve something, she would literally risk her health for it. Ayaw nitong matalo, she would feel like a failure. Kahit na hindi siya pine-pressure ng mga magulang, she pressures herself.

She's afraid of failures. She's afraid of losing. She's afraid of not being able to reach her goals. Iniisip niya na baka mawala ang pagmamahal ng mga magulang niya sa kanya.

"Nagluto kaya ng Pakbet si Tita Imee, Mom?" tanong ni Vida habang nagmamaneho ang ina.

"Yes, for sure. Favorite 'yun ni Papa mo 'di ba? Why? You miss it?" nakangiting tanong ni Irene.

"Yeah, sort of..."

Hindi nagtagal, nakarating na sila sa ancestral house ng mga Marcos. Sila na lang ang inaantay ng mga ito. Irene was so supposed to come here, earlier. But sinundo pa niya at inuwi si Vida kaninang umaga, sa kadahilanang hindi matutuloy ang pagkikita ni Anne at Vida.

"Mi Vida!" sigaw ni Ferdinand ng makitang pumasok ang kaisa-isang babaeng apo.

Malaking ngumiti si Vida at tumakbo papunta sa Lolo. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. "Papa!"

"How are you, lovely girl?" hinalikan ni Ferdinand sa noo si Vida.

"I'm fine, Papa. How about you po? I missed you!"

"I'm alright, darling. Even more better now that I saw you. I thought you can't come today," wika ng Lolo nang mahiwalay sa yakap.

"Hindi natuloy eh, kaya nagpasundo ako kay Mommy para matuloy ako rito." Vida showed her sweetest smile, natawa naman ang matanda.

She greeted her Mama Meldy and her Aunts and Uncle, pati na rin ang mas nakatatanda niyang mga pinsan. Vida's favorite foods are all in the table. Para silang nag-pye-pyesta sa rami ng pagkain ngayon.

"How's school, Vida?" malambing na tanong ni Imelda sa apo.

"It was fine, Mama. Hindi na po masyadong busy, thankfully."

"Don't pressure yourself, okay? Chill and learn, that's how you do it." dagdag na sabi ni Bongbong.

Vida chuckled. "I know, Unc. I just can't help it,"

"Kaya nag-aalala Mommy mo sayo eh, masyado mong pine-pressure sarili mo eh." Ferdinand formed his lips in a grim line, natawa naman ng bahagya si Vida.

"Class president again? I'm sure." sabi ng Tita Imee niya.

Vida smirked, "Class president and school government president, Tita."

Natawa si Imelda sa paraan ng pagsasalita ng apo. Vida looked boasting.

"That's my girl!" Imelda exclaimed.

Their family get-together went well, as always. Pagkatapos ng lunch nila, kanya-kanya na rin silang nagsi-uwian. May lakad rin ang iba sa kanila, they're booked for the day.

A Lifetime ConnectionWhere stories live. Discover now