06

951 74 18
                                    

Sa sobrang lakas ng yapak ni Vida papunta sa kwarto niya, narinig iyon ng mga magulang niya. They immediately rush towards where Vida was. Thankfully, nakalimutan ni Vida i-lock 'yung pinto kaya nakapasok agad sila.

"Out! Lumabas kayo!" sigaw ni Vida sa kanyang mga magulang.

"Vida, anak-"

"Mommy, out! Lumabas na po kayo please! Ibigay niyo na po sa'kin 'to! Iwan niyo po muna ako!" sigaw niya ulit, tinuturo pa ang pinto.

"Anak, please..." pagsusumamo ni Greggy.

She groaned in frustration, bahid sa mukha ni Vida ang sakit. She cried so loudly to make them understand that she's in pain.

"Lumabas kayo! Labas! Ang bagal! Labas!" sigaw niya habang umiiyak.

Kahit pa anong tulak ni Vida kay Irene papalayo, Irene went to her and hugged her daughter tightly. It breaks her heart seeing Vida this way, knowing that she's one of the reason of this pain. She feels like a terrible mother. Her daughter shouldn't be hurting like this.

Hindi dapat masaktan si Vida ng ganito... Ayaw niyang nakikita si Vida na nasasaktan. If she could take all Vida's pain away, she would... Gagawin niya right at this moment.

"Hindi ko na alam kung sinong pagkakatiwalaan! L-Lahat kayo... Kayo pang mga m-magulang ko... may nililihim sa'kin! H-Hindi naman ako hahadlang sa kasiyahan niyo eh! S-Sana man lang p-po sabihin niyo sa'kin! I just want to be update of what's happening in your lives dahil a-anak niyo po ako!"

Irene was crying while hugging Vida. "I'm sorry, honey... I'm so sorry... I was afraid of hurting you.."

"You hurted me, Mom! Wala nang pinagkaiba 'yun! Naglihim ka rin sa'kin!" sigaw ni Vida at tinulak ang ina palayo.

"Vida..."

"Sino pa bang pwede kong pagkatiwalaan sa inyo?! Anak niyo po ako oh... Mom, Dad... anak niyo po ako! Ba't po kayo naglilihim? Hindi naman po ako hahadlang! Ang sakit eh... Sariling magulang ko... sariling nanay at tatay ko, naglilihim sa'kin."

"We don't want you to get hurt, Vida..."

"Mas sinasaktan niyo po ako sa paglilihim niyo sa'kin! Mas masakit po 'to eh! Alam ko naman na alam niyo na may konting hope pa dito sa sistema ko pagdating sa inyong dalawa! Wag po kayong mag-aalala! I'll do my very best to not hope for you guys to be back together anymore! Hindi na po ako aasa!" puno nang hinagpis niyang sigaw.

"Ang sakit! Ang nakakainis ay kahit anong gawin ko ayaw humiwalay ng sakit! Na gagawin ko na lang lahat pero ayaw niyang mawala! This is so frustrating! Alam ko naman na wala nang pag-asa... pero 'yun yung masakit eh... Nasa akin nga ang lahat, hindi naman kayo... Magsisimula na po ba akong manlimos ng atensyon? Sabihin niyo lang po at pagsisikapin kong kumuha ng lakas ng loob para manlimos sa inyo.."

Irene shook her head. "Vida, no! You don't have to do that, anak... You will always be my top priority..."

Vida scoffed while sobbing. "Dun din mapupunta 'yun, Mom! Si Daddy nga nagsisimula na nga eh! Iniwan ba naman ang babae niyang anak sa napakalaki niyang bahay na ni isa, walang kasama. I'm crying for attention, Dad! If you want me to beg, then I will! Kahit kakarampot lang po na atensyon... kahit tira-tirang atensyon na lang po. I just want to feel na may Daddy pa po ako,"

"No, Vida! Don't think like that... You don't have to do that kasi kaya kong ibigay lahat ng atensyon ko sayo... You're my daughter, Vida, I love you so much!" unti-unti nang tumutulo ang luha ni Greggy.

"Stop lying!" Vida exclaimed. "Nung dinner, napansin niyo po ba ako? O napansin niyo lang kasi sinasali ako palagi ng girlfriend mo sa usapan niyo?! Your attention were all over her! Nakalimutan niyo po ako! Hanggang kailan po ba ako iintindi!? Hanggang kailan ako magiging anak?! Nagka-girlfriend ka lang, kinalimutan mo na ako! Binata ka, oo! Pero may anak ka! May anak ka..." umiiyak na sabi ni Vida.

A Lifetime ConnectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang