23

1.2K 75 102
                                    

Hinatid lang ni Greggy si Vida sa bahay ni Irene at umalis na rin. Wala silang interaksyon o pag-uusap ni Irene, all he did was bring their daughter there.

"Is it okay if you sleep in my room muna? Hindi pa kasi nalinisan ang room mo,"

Natahimik si Vida nang marinig ang sinabi ng ina. Sleep in her room? So magtatabi sila?

"Well, if you're worrying that I'm gonna sleep beside you... Pwede naman akong tumabi kay Vico," malumanay na sabi ni Irene habang paakyat sila ng hagdan.

"O-Okay... I'm with that. Tulog na ba si Vico?" tanong ni Vida.

"Oo, kanina pa, anak." sabi ni Irene at binuksan ang pintuan ng kwarto.

She helped Vida with her things, inayos niya rin ang kama bago pa dumating ang anak.

"Freshen up na, anak, para makapagpahinga ka na... May klase ka ba bukas?" tanong niya sa anak habang naglalabas ng bagong unan.

Umiling si Vida, "Wala po," sabi niya at pumasok sa banyo para mag half bath.

Inayos ni Irene ang lahat ng kakailanganin ni Vida. She lit up a candle, remembering how much Vida loves scented candle when she sleeps. She put lavender scented menthol oil in the humidifier para maganda ang tulog ng anak.

"M-Mom," rinig niyang tawag ng anak galing sa banyo.

Napangiti siya, its been so long since she heard Vida call her that. Agad siya nagtungo sa pintuan ng banyo.

"What do you need, honey?"

"Can you please get my towel? Nasa loob ng blue na maleta," sabi ni Vida.

"There's a new towel there, 'yan muna ang gamitin mo."

Hindi na nagsalita si Vida, mukhang sinunod na ang sinabi niya. She just waited for Vida to come out. Bahagya itong nagulat nang maamoy ang kwarto.

"Do you like the smell?" tanong ni Irene, tumango naman si Vida.

Tiningnan niya lang ang anak na sumampa na sa kama at handa nang matulog. Vida looked sad at mukhang galing lang sa kakaiyak. She even wonder bakit dito na ulit ito titira knowing na matindi ang galit at tampo nito sa kanya.

"Pinagalitan ka ng Daddy mo?" tanong niya. Vida looked up to her and hesitatingly nodded.

Irene sighed. Sinabihan na niya ito pero pinagalitan pa rin si Vida.

"Kakausapin ko siya, anak. Sorry kasi napagalitan ka," she smiled a little, tinanguan lang siya ni Vida.

She fixed Vida's comforter when Vida laid down and bid her a good night. "Good night, anak. I love you,"

Hindi ito sumagot, maliit itong ngumiti at tumalikod na mula sa kanya. That was Irene's cue to get out of the room. She found her little boy cutely sleeping with his dinosaur pajamas, nakayakap ito sa unan na nilagay niya para hindi mahulog.

She gently removed the pillow and slept beside her son.

Maagang nagising si Irene para ipagluto ang dalawang anak. She prepared breakfast for them and while she waited for them to wake up, nilinisan muna niya ang kwarto ni Vida. Hindi naman masyadong makalat at madumi iyon, konting mop, punas at walis lang.

She changed new beddings, comforters, pillowcases at Vida's room. Tiningnan niya ang orasan and it was quarter to seven na. Lumabas na siya at bumaba para ipagtimpla na ng gatas ang mga anak.

While she was preparing Vico's milk, nakita niyanh bumalik sa pinanggalingan si Vida. Nakita ata siya kaya hindi na ito tumuloy.

"Vida?"

A Lifetime ConnectionWhere stories live. Discover now