Kabanata 6

5.1K 286 70
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"I would like to dedicate this song to my one and only Queen," kinindatan at itinuro ako ni Eion mula sa stage kaya naman napa irit kaming dalawa ni Kenzie sa kilig sabay nagpalakpakan at hiyawan naman sina Declan.

"Go babe!" sigaw ko.

Tumawa si Eion sa may mikropono kaya naman rinig na rinig ng lahat ang maka laglag panty niyang tawa. Mas lalo lamang kaming kinilig.

Sinimulan na niya ang pag-strum sa intro ng Beautiful Mess ni Jason Mraz. Ilang beses ko na siyang pinakinggan na i-practice 'tong kantang 'to at kahit kailan, hinding hindi ako mag sasawang pakinggan ang boses niya.

Inakbayan namin ni Kenzie ang isa't isa at tahimik na sinabayan na si Eion sa pagkanta.

"You got the best of both worlds," panimula niya gamit ang malamig at husky niyang boses. "You're the kind of girl who can take down a man, and lift him back up again." Tinignan niya ako at medyo itinagilid ang kanyang ulo. "You are strong but you're needy, humble but you're greedyー" sinamaan ko siya ng tingin at umangat lamang 'yung gilid ng labi niya sabay pumikit at umiling. "ーBased on your body language you shouted cursive i've been reading."

Dahan dahan akong napapikit sabay huminga ng malalim. Bawat liriko na lumalabas sa bibig niya ang bumabalot sa puso ko.

Grabe Eion, masisisi mo ba talaga ako? Na sobrang baliw na baliw ako sa'yo?

Kami ang sunod na magpe-perform kaya naman sinalubong ko si Eion sa may hagdan noong pababa na siya. Binalot ko ang mga braso ko sa leeg niya at agad naman niya akong binuhat habang nakabalot ang magkabila niyang braso sa bewang ko. Naramdaman ko 'yung labi niya sa pisngi ko sabay ang ngipin niya.

Itinulak ko 'yung mukha niya palayo sakin sabay inambahan siya. Kinagat nanaman ng bading na 'yun 'yung pisngi ko. Adik talaga.

"Kagigil e," natatawang aniya.

Binad finger ko siya bago tuluyang umakyat ng stage kasama si Declan at Kenzie. "Sasayaw tayo, 'wag niyo ako gawing third wheel." Sabi ko sakanila bago tumayo sa gitna nila para maghiwalay sila.

Sinayaw namin ang chinoreograph ni Declan para sa kantang Worth it ng Fifth Harmony. Puro 'to locking at footwork, mabibilis talaga ang steps pero kinaya naman namin. Pagka tapos ng sayaw halos lahat ay tinitilian si Declan dahil na agaw naman talaga niya ang spot light dahil sa back flip na ginawa niya.

Pagka babang pagka baba namin ay inatake na kaagad ng dalawang kamay ni Jet ang magkabilang kili kili ko.

"Ano ba Jet!" sigaw ko sakanya.

"Basa!" sabi niya naman bago ilapit ang isang kamay sa ilong niya. "Tangina ang asim!"

Sinapak ko siya sa braso sabay sinipa 'yung binti niya, "Nakakainis ka talaga!" Malakas at nakakainis na tawa lamang ang isinagot niya.

Naka pamulsang tumayo si Eion sa tabi ni Jet at tinaasan ako ng kilay. Ngumuso ako, "Tinitingin tingin mo jan? Nainlove ka ba sa pag sayaw ko?"

Nagkibit balikat lamang si Eion, "Pwede na din."

Nilapitan ko siya, "Na-turn on ka?"

Itinaas niya ang magkabila niyang balikat bago tumingin sa paligid, "Mas na-turn on ako sa tawa ni Levi."

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon