Kabanata 27

3.8K 202 174
                                    

Hinahaplos ng thumb niya ang pisngi ko bago ako hawakan sa batok para maitaas ang ulo ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang init ng katawan niya at ang malambot niyang mga labi.

Oh my gosh, oh my gosh i'm kissing Eion.

Naglakbay ang isang kamay niya papunta sa pang upo ko at napa ungol ako nang pisilin niya ito.

"Fuck, Nicky."

Itinaas ko ang dalawang kamay ko at iniyakap siya sakin. Gusto ko siyang ilapit sa akin kahit na lahat ng parte ng katawan niya ay naka diin na sa katawan ko.

Nalalasahan ko ang alak sa labi at dila niya at parang nalalasing din ako. Hinayaan kong maglakbay ang mga kamay niya sa kung ano anong parte ng katawan ko.

"Nicky... baby.."

Baby... hmm yes.. baby.... BABY. Napabalikwas ko at agad siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Agad siyang bumagsak sa tabi ko at napa ungol.

"AYOKO PANG MAGKA BABY EION!" sigaw ko sakanya bago siya hampasin at sabunutan. "Lintik ka! Hahalayin mo pa ako!"

Hinawakan ko ang mukha niya and a second later, naghahalikan na ulit kami.

Ano Nicolette? Magpapa buntis ka na? Magpigil ka! Oo, sexy siya, hot siya at ramdam na ramdam mo 'yung ano niya pero bata ka pa! May mga pangarap ka!

Nasa loob na ng damit ko ang mga kamay niya at muli akong napa ungol.

Yes, Eion. Yes!

May biglang kumatok sa pinto at mabilis kong naialis ang sarili ko sa ibabaw ni Eion. Humiga ako, nagkumot at agad na nagtulog tulugan.

"Huy," sinundot ni Eion 'yung ilong ko.

Itinulak ko paalis 'yung kamay niya, "Sshh!"

"Eion?" sabi ni Tita na nasa labas ng pinto. Kumalabog 'yung puso ko sa dibdib ko dahil sa kaba. "Nicole?"

"Tulog na kame, Ma!" sigaw ng lasing na si Eion. "Shoo!"

"Eion? Tarantado kang bata ka, buksan mo 'tong pinto!" Sinagot siya ni Eion sa pamamagitan ng pag hilik.

"Ako na nga," mahinang sabi ko bago nagmamadaling bumangon. Hinahanda ko na 'yung sarili ko na magmukhang kagigising lang nang marinig ko si Eion.

"Psst oy," aniya. Nilingon ko siya at nakitang nakahiga pa rin siya at medyo nakasara na ang mga mata. "Bra mo nakatanggal."

Naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa mukha ko at nang abutin ko ang likod ko ay naramdaman kong naka unclip na nga 'yung bra ko. "Shit Eion," bulong ko bago 'to nagmamadaling isinara.

"Eion!" sigaw ulit ni Tita sa kabilang side ng pinto.

"Tita," ani ko pagkabukas ko ng pinto. Pakunwari kong hinilamos 'yung kamay ko sa mukha. "Sorry nakatulog na ako," mabilis kong sabi. "Si Eionー"

"Ginagago ako ng batang 'to eh," sabi ni Tita.

"Hala ka, nagmura." Kumento ni Eion. Nakatingin siya sa kisame at parang luluwa na 'yung mga mata niya.

"Sakit sa ulo 'yan kapag lasing noh?" Naka pameywang na ani Tita. "Noon, last time na nag inom kayo? Nahuli ko siya suot 'yung mga shorts mo na naiwan jan. Nirarampa rampa niya."

Pinigilan kong hindi tumawa. Kinabahan ako na baka narinig ni Eion ang sinabi ni Tita at ipag tanggol sa sarili niya sa pamamagitan ng pag amin na hindi na siya bading ngunit nang tignan ko siya ay nakita kong busy siya sa pag bukas patay ng maliit na lamp sa gilid ng kama niya.

"Oh siya, paki punasan nalang siya ah?" Nako tita baka hindi lang 'yun ang magawa ko. "Ikaw na bahala. Matutulog na ako at anong oras na."

Dinampot niya 'yung maliit na planggana na nasa sahig. Hindi ko man lang napansin na nandoon pala 'yun. Mainit 'yung tubig at may bimpo din itong kasama.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon