Kabanata 2

6.6K 301 43
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Nang magising ako nung umaga, napansin kong ginawa ko na palang unan 'yung braso ni Eion. Pero mukhang wala naman siyang problema dahil nakayakap pa 'yung isang kamay niya sa bewang ko.

Iginilid ko 'yung katawan ko para mayakap siya pabalik. Ang init ng katawan niya at talaga namang kumportable ako sa posisyon namin ngayon.

Siguro kung titignan kami ngayon ng mga taong hindi kami kilala, iisipin nila na boyfriend ko 'tong si Eion. Minsan kasi talaga hindi mo mapapansin na bakla siya e. Kasi hindi naman siya malambot kumilos, hindi niya din iniiba 'yung boses niya. Mapapansin mo lang kapag nasa public kayo dahil medyo napapatagal 'yung titig niya sa isang gwapong lalaki, tapos minsan pasikreto pang ngumingisi dahil kinikilig.

Iniangat ko ng kaunti 'yung ulo ko para makita 'yung mukha niya. Meron nanaman siyang stuble. Siguro pagtanda niya, mga around twenty years old, pwede na niya patubuin 'yung five o'clock shadow niya. Ngayon kasi parang masyado pa siyang bata.

Hinawakan ko 'yung baba niya kung saan medyo magaspang na. Pati 'yung sa jawline niya. May pagka mabalbon din kasi 'to e.

Ang gwapo niya talaga. Ilang beses ko na bang naisip at nasabi 'yon? Habang tumatagal kasi, mas lalo talaga siyang gumagwapo at hindi parin ako makapaniwala na nakakalapit ako ng ganito sakanya.

Alam niyo bang pinagseselosan ko 'yung kuya ko? Sarili kong kuya, dahil crush siya ni Eion. Saklap diba?

Nahihibang at desperada na talaga ako, sa totoo lang. Adik na adik ako dito sa lalaking 'to at wala akong ibang gusto kundi mapasakin siya. Minsan nga pakiramdam ko sasabog na 'ko sa frustration. Lalo na't alam kong never siyang magiging interesado sa'kin.

Napagsabihan na din ako ng ibang ka-tropa namin na lalaki, na maghanap nalang daw ako ng iba at 'wag na kulitin si Eion. Masasaktan lang daw ako. Alam ko naman 'yun eh, pero si Eion talaga ang gusto ko.

Bahagya siyang gumalaw at idinantay 'yung binti niya sa'kin bago ako hilain ng mas malapit.

"Eion..." mahinang daing ko dahil nas-suffocate ako sa dibdib niya. Inilagay ko 'yung kamay ko sa dibdib niya at sinubukan siyang itulak ng kaunti.

Nung hindi gumana 'yun ay gumalaw galaw nalang ako hanggang sa umabot na 'yung mukha ko sa bandang leeg niya.

"Likot mo naman Niks eh." Reklamo niya bago ayusin 'yung braso niyang nadadaganan ko na.

"Hindi na kasi ako makahinga." sagot ko sakanya at isang buntong hininga na lamang ang isinagot niya pabalik bago ako hapitin sa bewang. "Alam mo," sabi ko habang inaayos 'yung ulo ko sa leeg niya. Naisipan kong magdrawing drawing sa dibdib niya gamit 'yung hintuturo ko, "para kitang boyfriend ngayon."

"Hindi tayo talo."

Nag 'tsk' ako bago magsalita, "Kailangan ba tubuan muna ako ng hotdog bago mo magustuhan?"

Natawa siya sa sinabi ko tapos ginalaw 'yung mga daliri niya para makiliti ako kaya naman agad akong nagpumiglas.

"Wag!" sigaw ko habang tinutulak siya sa dibdib. Hindi na 'ko makahinga sa kakatawa kaya naman umupo nalang ako.

Pero nagulat ako nung hawakan niya 'ko sa bewang at hilain papaibabaw sakanya kaya naman ngayon ay inuupuan ko na 'yung stomach niya habang sinasapak sapak siya sa dibdib.

"Tama na! Tama na!" sigaw ko sakanya at talaga namang binabaon na niya 'yung mga daliri niya sa bewang ko. "Tama na! Masakit na!" hinawakan ko siya sa buhok at sinabunutan.

"Aray!" sigaw niya at agad na siyang bumitaw sa bewang ko para mahawakan 'yung dalawang kamay ko na nasa buhok niya. "Masakit!"

"Ayan ayan!" nanggigigil kong ani. "Mangingiliti ka pa?!"

"Brutal mo teh!"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya at napabitaw agad ako sa buhok niya, "Teh?!" gulat na sigaw ko. "Nag t-teh ka na ngayon?!"

Sumimangot siya sa sinabi ko, "Shut up," aniya.

Ako naman ngayon ang sumimangot at ibinagsak nalang 'yung upper body ko sa dibdib niya.

Nag groan siya bigla, "Nilalandi mo nanaman ako ano?" tanong niya.

"Hindi ah!" seryoso kong sagot. "Mas kumportable lang talaga ako dito kasi mainit ka." paliwanag ko.

"Talaga?" naniniguradong tanong niya.

"Oo, promise." sagot ko.

Wala naman talaga akong planong landiin siya. Oo na, tanggap ko na! Gusto ko lang siyang lambingin ngayon.

Dapat talagang tigilan ko na ang kahibangan ko na one day eh magpapakalalaki siya at mai-inlove sa'kin.

Ang gwapo gwapo naman kasi ni Eion! Mas gwapo pa kesa sa kuya niyang si Kuya Enrico. Pero kakaiba talaga ang magkapatid na Montero. Morenong moreno.

Hiwalay na lumaki si kuya Enrico at Eion. Sa Manila si Eion habang si kuya Enrico naman ay dito sa Olongapo, pero kahit ganoon ay close na close parin sila.

Matagal ko ng kilala si Kuya Enrico dahil paminsan minsan ay dumadalo siya sa bahay noong elementary pa 'ko. Magbestfriend kasi sila ng nakakatanda kong kapatid na si Kuya James. Nakalimutan ko pa na Montero nga pala ang apelyido niya at kaibigan ko na si Eion nung marealize ko 'yon.

"Yon." pagtawag ko.

"Oh?" mahinang sagot ni Eion.

"Anong oras na?"

"Hindi ko alam." ibinalot niya 'yung dalawang braso niya sa'kin at inilapag sa gilid niya. Nanatili parin siyang nakayakap.

"Antok ka pa?"

"Oo." idinantay niya 'yung binti niya sa bewang ko.

"Okay."

Mukhang wala akong kawala dito kaya matutulog nalang din ako. Sobrang hilig talaga ni Eion sa cuddles at sobrang swerte ko dahil ako ang katabi niya ngayon.

Kakilig pakshet.

Eion! Magpakalalaki ka na at akin ka nalang parang awa mo na!

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon