Kabanata 26

4.4K 211 90
                                    




Migraine - Moonstar88


"Guys, formation na. This is the last one for today then pack-up na!" Pag-announce ni Declan at lahat kami ay nagpakawala ng hininga. Sa wakas! Hindi ko alam kung ilang split pa ang kaya kong gawin. Baka mamaya ay mahulog nalang bigla ang matris ko. "No more mistakes!"

Pumwesto na ako sa kung saan ako in-assign at iniayos ang pagka tupi ng sleeves ng t-shirt ko pati na din ang pagkakatali ng hem nito sa baywang ko.

"Yes Niks! Sexy mo talaga!"

Pinigilan ko ang tawa ko at inilingan nalamang ng ulo si Jet na tinapunan ni Declan at Eion ng masamang tingin. Mula nang dumating siya ay hindi na natapos ang mga side comment niya. Pinalabas na siya ni Declan kanina ngunit nakahanap parin siya ng daan papasok ng auditorium kaya naman ngayon ay nandoon sila ni Ezra sa stage nakatambay at kumakain.

Hindi pinansin ni Jet sina Eion at nginitian lamang ako habang ngumunguya sabay kumindat.

Sumenyas ako kay Jet na mag-behave na siya. Panigurado ay ako nanaman ang pag iinitan ni Eion mamaya at panigurado din na hindi ko na makukuha ang kiss ko mula sakanya dahil tatarayan niya lang ako buong gabi.

Nasabi ko na ba na doon ako matutulog kina Eion ngayon? Wala pa kasi sa pamilya ko ang aware sa pagka bisexual ng bestfriend ko kaya't hangga't wala pa silang idea ay sinusulit ko na. Magulat nalang sila isang araw sabihin ko buntis na ako at si Eion ang ama.

Charot lang.

Sumenyas na si Kenzie kay Ezra na i-play na ang tugtog kaya naman pinindot na niya ang player na nasa tabi niya. Almost instantly, umikot na sa buong paligid ang himig ng kanta. Bawat pitik ay pakiramdam ko sinasabayan ng pintig ng puso ko. Nawala ang mga tao sa paligid ko at isinuko ko ang sarili ko sa pag sayaw.

Dumating sa part na ihahagis na ako sa ere at hindi ko maiwasang hindi mapansin ang higpit ng hawak ni Eion sa baywang ko. Hindi siya 'yung higpit na masakit ngunit ito 'yung klase ng higpit na alam kong hindi ako mahuhulog at masasaktan dahil alam kong andyan siya para sambutin ako.

Hindi nagtagal ay muli akong itinaas. Ganoon din si Kenzie. Si Declan ang may buhat sakanya at sa akin naman ay si Eion. Pinigilan kong huwag tumingin sa baba. Nag-abot kami ng kamay ni Kenzie at sabay naming itinaas ang isang binti namin hanggang sa nakadikit na ito sa gilid namin. Pumalakpak si Ezra at Jet na ikina-ngiti ko at ni Kenzie. Tapos sabay naming ibinaba ang paa namin at paikot na bumagsak. Marami ang sumambot samin at maingat kaming ibinaba.

Tinapos na namin ang ilan pang steps at isinigaw ang pangalan ng team namin.

Sumigaw at pumalakpak ang ilang audience namin pagkatapos. Maski kami ay hindi napigilan na magyakapan na akala mo ay 'yun na talaga ang mismong performance namin.

"Solid!" sigaw ni Ezra.

"Panalo na 'to!" Pumapalakpak na ani Jet. "Galing gumiling ni Eion! Woo!"

"Tangina mo!" sigaw naman ng namumulang si Eion kaya't nagsi tawanan kaming lahat.

"That was amazing guys," sabi ni Declan sa aming lahat. "Great job! Pack-up na! Wala tayong practice tomorrow-" May napatili sa tuwa. "-pero this saturday meron kaya don't forget!"

Naglakad na kaming magkakaibigan sa pwesto nina Jet at Ezra. Pagkadating namin doon ay hinila kaagad ni Eion ang damit ko at inalis ang pagkakabuhol nito kaya naman natakpan na ulit ang pusod at baywang ko. Tapos kinuha niya 'yung panyo niya sa bag at ipinunas 'to sa mukha ko.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon