Kabanata 29

4.1K 223 110
                                    

Nakatitig sakin si Mama at 'yung isang kamay niya ay nasa baywang niya. Alam ko ang tingin na ibinibigay niya sakin. Ito 'yung Bakit-Ba-Ang-Tanga-Mo-Nasasaktan-Ka-Tuloy look.

Bakit ganun ang mga magulang? Ikaw na nga ang nasaktan sila pa ang galit?

"Tignan mo 'yang mukha mo sa salamin, Nicolette." Matigas na sabi ni Mama. "Mukha ka ng tanga ang laki laki ng gasgas mo sa noo."

"Cute pa rin naman siya tita," pag depensa ni Jet.

"Cute," umismid si Mama. "Mukha siyang may tae sa noo."

"Grabe ka naman Ma," ngumuso ako.

"Takpan mo na nga ng band aid 'yan Eion, nabubwisit lang ako." Sabi ni Mama bago sumenyas sa hawak ni Eion na pa-square na band aid.

Napa urong ako, "Kakasya ba 'yan?"

Mabilis 'to pero nahuli ko. Tumingin si Eion sa baba at umangat ng kaunti ang labi niya. "Kasya 'to."

Umakyat 'yung dugo ko sa mukha ko at napahawak ako sa lalamunan ko. Lumunok ako. "Kabit mo na, bilis."

Nalagyan na ng alcohol at betadine 'yung sugat ko. Halos magka World War III kanina habang nilalagyan ako ni Mama. At hindi pa siya gentle ah, sa bwisit niya sakin ay dinidiinan niya pa. Kinailangan pa ako hawakan nina Declan at nasipa ko pa si Ezra.

Maingat na idinikit ni Eion 'yung band aid. Kinakabahan talaga ako na baka mabitin 'yung band aid dahil kapag dumikit 'yan sa sugat ko.. shetbols iiyak talaga ako.

"Ayan, okay na." Ani Eion pagkatapos niya. Nginitian niya ako. "Sabi sa'yo kasya eh."

Nag init nanaman ako mukha ko. Bi na ba talaga siya? Seryoso ba 'to? Ganito ba siya sa lahat ng nagugustuhan niya? Jusko ba't anlandi?

Sabog kaya 'to? Nag d-drugs kaya si Eion?!

"Hoy," itinulak niya 'yung noo ko. "Tulala ka na. Nakabit ko na."

"Pano 'yan? May sayaw kayo diba? Mag p-perform ka may malaki kang band aid sa noo?" pag simula nanaman ni Mama sa pagpapagalit. Akala ko tapos na siya, may pahabol pa pala.

"I'll just make her wear a bandana, Tita." Sabi ni Declan.

"Dalawa kami, para kunwari terno since dalawa kaming nasa harap." Sabi naman ni Kenzie.

Sinamaan ako ng tingin ni Mama at napakamot nalang ako sa batok. "Sa.. kwarto nalang kami Ma."

"Sige na," dinambot na niya 'yung mga ginamit pang gamot sakin na naka kalat sa mesa. "Lumayas na kayo dito."

Tumayo na ako at si Eion na naka upo sa tabi ko. Si Ezra ay tulog sa may couch ngunit nagising siya nang subukan siyang buhatin ni Jet. Hindi ko na hinintay ang mga kaibigan ko at nagdire-diretso papasok ng kwarto ko. Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.

"Buksan mo 'yung aircon, Eion." Utos ko nang hindi siya tinitignan.

"Ano password nitong laptop mo?" tanong ni Jet na naka upo na sa may paanan ko. 'Yung likod niya nakasandal sa dingding at ang laptop ko ay nakapatong sa mga hita niya.

"Secret," sagot ko bago umusog ng kaunti dahil humiga si Declan sa tabi ko habang si Kenzie naman ay hinakbangan ako para makahiga sa kabilang side ko.

Pinatong ni Kenzie 'yung kanang paa niya sa balikat ni Jet at mahina siyang sinipa. "Patugtog ka."

"Hindi ko nga mabuksan 'to eh," ani Jet bago itaas ng kaunti 'yung laptop ko. Ibinalik niya tingin niya dito at nagsimulang magtype, "Try natin ItlogNiEion123."

"Tarantado," natatawang sabi ko habang si Eion naman ay dumampot ng unan at hinampas si Jet sa ulo. Maski siya ay natatawa.

"Try mo BripNiEion," kumento ni Kenzie.

"PatolaNiEion," natatawang dagdag ni Jet habang nagt-type.

"Eion Alexis," mahinang suggest ni Declan.

"Eion4Lyfe," tawang ani Kenzie kaya't siniko ko siya sa ribs.

"Walang Eion sa password ko!" sigaw ko sakanila.

"BetlogNiAlexis." Sinipa ko si Jet.

"Try mo 'yung hint," pag singit ni Ezra na naka upo sa office chair at umiikot ikot.

"Two facts about me," pagbasa ni Jet sa hint na inilagay ko at naramdaman kong nag init ang mukha ko. "Hmm..."

Nagsimula si Kenzie. "Try mo I fart andー"

"ImSexyNicky1226 password niya," biglang sinabi ni Eion kaya't kaagad akong napaupo.

"Eion!" sigaw ko bago hatakin 'yung unan na gamit ni Kenzie. Hinagis ko 'to sakanya. "Ba't mo sinabi!"

"Kala ko ba two facts? One lie at birthday mo 'yon eh," sabi ni Ezra at pasalamat siya at malayo siya sakin dahil kung hindi ay nasa bibig na niya ang medyas ko ngayon.

"Pakyu!" sigaw ko nalang sakanya.

"I'm... hahahaha! Sexy Nicky! Hahahaha!" Maiyak iyak na sabi ni Kenzie sa tabi ko.

"Tangina mo Kenz mautot ka sana," sabi ko sakanya.

Tawa parin siya ng tawa at hindi nagtagal ay napa upo na siya. "Naiihi ako," sabi niya kaya't pati kami ay napatawa na.

Pagkabangon na pagkabangon niya ay agad na pumalit si Eion na nag dive pahiga ng kama dahil nakaharang si Jet.

"Nasipa mo 'yung nguso ko," sabi ni Jet na nakahawak sa bibig niya.

"Good," sagot ni Eion.

"Muntik mo na akong madaganan," sabi ko naman sakanya.

Napatingin siya sakin at nahihiyang ngumiti, "Sorry Niks."

"Walang sorry sorry. Kiss mo ko," sabi ko bago ko na-realize na kaya na pala niyang gawin 'yun dahil ilang beses niya akong hinalikan kagabi. Tinaasan niya ako ng kilay kaya't agad akong umiwas. "Ch-Charot."

Mabuti nalang at walang napansin ang mga kaibigan namin. "Anong song gusto niyo?" tanong ni Jet.

"OPM," ani Eion.

"Search mo Twenty One Pilots," sabi ni Declan.

"Careless Whisper," biro naman ni Ezra. "Tapos gigiling si Eion."

"Ulol!"

"Sige Jet! Play mo 'yun!" sabi ko habang lumuluhod.

"Wait lang," kinagat ni Jet ang ibabang labi niya habang nag t-type. Kitang kita ko ang mga pekas niya at ang berde niyang mga mata dahil sa ilaw na nang gagaling sa laptop.

Nagsimula ang intro ng Careless Whisper at ginaya ko 'yung sayaw ng mga lalaking stripper. 'Yung iuuntog nila sa noo nila 'yung kamao nila sabay gigiling.

Tawa ng tawa si Jet at si Declan naman ay gumulong palayo sakin. Si Ezra ay pumapalakpak pa. Pero si Eion....

Nakatitig lamang siya at may maliit siyang ngiti. Nang dilaan niya ang kanyang mga labi, pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko.

"Ang sagwa mo tignan Niks!" sigaw ni Kenzie na kakalabas lang ng banyo.

"I'm never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm..." Nag belly dance ako at pinigilang hindi tumawa.

"Though it's easy to pretend, I know you're not a fool," pag tuloy ni Jet. Ibinaba niya 'yung laptop at bumangon sa inuupuan niya at nagsimulang gumiling. Itinataas taas niya pa 'yung t-shirt niya.

"Woo!" sigaw ko habang pumapalakpak at tumatawa. Naramdaman ko ang mga kamay ni Eion sa baywang ko at hinila niya ako pahiga. Kalahati ng katawan ko ay nasa dibdib niya.

"What the fuck Axl!" na we-weirduhang sabi ni Declan. Nagtatakip siya ng mga mata at kinukulit naman siya ng girlfriend niya. "No Kenzie! I don't want to look!"

Hinalikan ni Eion ang balikat ko kaya't napalingon ako sakanya. "Malandi ka ha," mahinang sabi ko.

Binigyan niya ako ng makalaglag panty na ngiti sabay kumindat.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon