Kabanata 28

4K 207 113
                                    

Tahimik kong pinapanood si Declan at Kenzie na asarin si Ezra. Nasa gitna nila 'to at tinatawag nilang "Anak" at si Ezra naman ay halatang pikon na pikon na sakanila.

Katabi ko maglakad si Jet na mahinang kumakanta. Nakapasak 'yung earphones niya sa magkabila niyang tenga kaya naman hindi na ako nag abalang kausapin siya.

"Am I original? Yeah," kinagat niya 'yung ibaba niyang labi. "Am I the only one? Yeah," pagpatuloy niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumalon pa abante sabay gumiling. "Am I sexual? Yeah." Pinag titinginan na siya ng mga tao at ako naman ay nagpipigil lamang ng tawa. "Am I everything you need?" Pagkanta niya bago ako tignan at kindatan. "You better rock your body now."

Hinila ko ang kamay niya para bumalik na siya sa tabi ko. "Behave!" sabi ko sakanya bago mahinang tinampal ang bibig niya.

Ngumiti siya ng pagkalaki laki at pabulong nalang na kumanta. "Everybody, yeah.. rock your body, yeah..." Nag hip thrust pa siya at sa hiya ko ay naglakad na ako palayo sakanya. "Oy! Joke lang!" aniya bago ako habulin.

Katabi ko na si Kenzie kaya bumaling ako sakanya, "Kulit ni Jet," sabi ko.

"Ano ginagawa?" tanong niya.

"Gumiling giling doon, pinag titinginan tuloy siya."

"Wala akong pake sakanila," sabi samin ni Jet ng nakangiti.

"Dapat bro sumali ka sa cheer dance ng engineering," sabi naman ni Declan na naka akbay na kay Ezra na mas lalong nagmukhang maliit.

"No fucking way dude!" sagot sakanya ni Jet. "Baka dumami may crush sakin and I'm gonna have no choice but to break their hearts. Alam niyo namang.... kay Nicolette lang ako."

"Ulol!"

Isang nakakalokong ngiti lamang ang isinagot niya kaya naman inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin.

Hindi nagtagal ay lumiliko na kami papunta sa kanto ng computer shop. Nandoon si Eion, kasama ang mga kaibigan ng Kuya Enrico niya. Maski si Kuya James ay nandoon, naka upo lang sa isang mono block at naninigarilyo.

"Ba't andito ka?" tanong ni Kuya nang makita niya ako. Pinaypay niya 'yung usok gamit ang kamay niya.

"Masama?" tanong ko sakanya.

"Umuwi ka ngayon ah," aniya. "Sisipain na kita kung saan saan ka nagpupunta."

"Nakila Eion lang ako ah, 'di niya ba sinabi?" tanong ko bago tignan si Eion na naka upo sa malapit. Naka dikwatro siya at hindi kami tinitignan.

"Ang sinasabi ko, 'yung hindi ka man lang dumaan sa bahay. Hinahanap ka ni Mama kanina."

"Nagpaalam ako sakanya," pag depensa ko. "Nag text kaya ako."

"Basta, umuwi ka ngayon." Ani Kuya James bago niya tignan si Jet. "Ihatid mo 'to ah, sabihin mo kay Mama sabi ko 'wag 'tong papalabasin."

"Opo, kuya." Agad na sagot naman ni Jet bago umubo.

"May pupuntahan pa kami," masungit na sabi ko kay Kuya James. "Dumaan lang kami para sunduin si Eion." Tinignan ko ulit si Eion. "Diba 'Yon? Tara na."

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon