Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
------------------------------------------------------------
"Akalain mo three weeks na agad?"
"Ang bilis nga ng araw e," sagot ko kay Kenzie bago luminga linga. Napatigil ako nang makita ko si Eion papalabas ng men's restroom kasama si Ezra.
"Oh, ano nangyari?" tanong ni Kenzie kaya naman nagmadali kaming maglakad para maabot sila.
Nakayuko si Eion at si Ezra naman ay tahimik at mukhang concerned.
"Ano nangyari?"
Tinignan ako ni Eion at nakita kong namumula and mga mata niya. Napa awang ang bibig ko at bago pa man ako makapag tanong ay nakayakap na siya sakin.
Malaking tao si Eion at maliit lang ako kaya naman nang itago niya ang ulo niya sa pagitan ng balikat at leeg ko, kamuntik pa kaming matumba.
Ibinalot ko ang braso ko sakanya at hinimas himas ang likod niya, "Anong problema?" mahinang tanong ko sakanya.
Hinigpitan niya ang yakap niya sa bewang ko at naramdaman ko ang pag iling niya kaya naman tinignan ko si Ezra.
"Levi," nabasa ko sa bibig niya.
"Bakit?"
Nagkibit balikat si Ezra at sinabing, "Mamaya."
Kunot noo parin, pinilit kong ihiwalay si Eion sakin para matignan siyang mabuti. Pulang pula ang mata at pisngi niya at malalim ang kanyang pag hinga. Pinunasan ko ang mga luha niya ngunit uniling lamang siya at niyakap ulit ako.
"Eion.." ani Kenzie habang hinihimas ang likod niya.
Nakita ko kaagad si Jet at Declan na naglalakad papalapit samin at halata sa mukha nila na nagtataka sila sa nakikita.
"Umiiyak ba yan?" tanong ni Jet. "Anong nangyari?"
Nilapitan ni Declan si Eion para ihiwalay sakin. "Halika p're," ani Declan.
Nauna na si Jet papasok ng men's restroom at sumunod si Declan, Ezra at Eion kaya naman naiwan kami ni Kenzie.
"Ano nangyari doon?" tanong ni Kenzie.
"Hindi ko nga alam e," sagot ko. "Pero sabi ni Ezra si Levi daw."
"Naku," nahampas ni Kenzie ang sarili niyang binti. "Patay si Levi kay Jet."
Napa iling nalamang ako. Sobrang protective pa naman ni Jet pagdating kay Eion. Masungit man 'yun at nakakatakot minsan pero napaka lambot ng puso. Kaya nga saming dalawa, siya talaga ang babae. Si Jet naman, tingin niya ata kay Eion ay isang puppy at pakiramdam niya ay kailangan niya 'tong protektahan at all times.
Napahimas ako sa braso ko, "Bakit kayaー" natigilan ako nang mapatingin ako sa second floor ng building sa may tapat namin. "Oh shit."
Kaya naman pala!
"Bakitーoh"
Natulala kami doon sa magkasintahan na naglalampungan sa may hallway. May hawak hawak na mga rosas 'yung lalaki at binigyan naman siya ng isang halik sa pisngi nung babae.
"Tara na," sabi ko bago hilain si Kenzie papunta sa labas ng boy's bathroom.
Nag init ng tenga ko at naitikom ko ang kamao ko. Ang magaling na si Levi Mendigorin ay isa naman palang baboy. Napag tripan niya lang ba si Eion dahil alam niyang may gusto ito sakanya?
"Oh, Niks. Kumalma ka." Sabi saakin ni Kenzie.
Bumukas ang pinto ng banyo at galit na lumabas si Jet. "Second floor, accounting building." Ang sinabi ko lamang ang nag dire-diretso na si Jet papunta doon.
Sunod na lumabas ng banyo ay si Eion na namamaga ang mga mata. Nanlaki ang mga ito nang makita kung saan papunta si Jet. Si Declan naman ay agad na hinabol ang kaibigan.
Noong sabado lamang, isinama namin si Levi saamin para mag jamming at inuman. Naalala ko pa kung gaano kalakas 'yung selos na nararamdaman ko dahil sa pagkaka akbay niya kay Eion. Lalo na nang maglaro kaming truth or dare at sinabi niyang si Eion ang gusto niya. May kasama pang halik 'yun. Pucha, hinalikan ng gago sa harap ko ang taong mahal ko. Tapos papaiyakin niya lang ng ganito?
"Hayaan mo na si Jet," sabi ni Ezra kay Eion dahil plano niya yatang pigilan 'to. "Deserve niya ang kung ano mang matatanggap niya."
"Ano ba kasing nangyari?" inis na tanong ni Kenzie.
Nag aalangang tumingin si Ezra kay Eion sabay saakin. Inilingan siya ni Eion bago 'to nagsimulang maglakad paalis.
Hinablot ko ang braso niya, "Anong ginawa ni Levi sa'yo, Eion?"
"Wala, Nicolette." Sagot niya bago subukang tanggalin ang kamay ko.
"Anong ginawa niya sa'yo?"
Nag iba nanaman ang ekspresyon ni Eion at parang maiiyak nanaman siya. Nabigla ako nang marahas niyang binawi ang braso niya bago suntukin 'yung pader malapit sakanya.
"Eion!" sabay sabay naming sigaw dahil sa gulat.
Nakuha na namin ang atensyon ng ibang studyante at lahat sila ay nakatitig na saamin.
"Oh my God," bulong ko sa sarili nang makita kong nagsimula nang magdugo ang kamao niya.
Hinawakan niya 'to at halata sa mukha niyang nasaktan siya sa ginawa at napa upo pa siya.
"Ano bang nangyari sa'yo?" naiiyak na tanong ko bago lumuhod sa harapan niya para mapunasan 'yung dugo dugo sa kamay niya.
"Eto may panyo ako," natatarantang sabi ni Kenzie bago ako abutan ng panyo. "Eion? Eion tignan mo ko," sabi niya dito.
Nakarinig kami ng sigaw mula sa second floor at awtomatikong napatingin kami doon.
Si Jet at naka hawak sa kwelyo ni Levi at nagawa niya 'tong iangat. Malaking tao talaga si Jet at walang sinabi ang katawan ni Levi kumpara sakanya.
"Ano ha?!" sigaw pa ni Jet.
"Buti nga sa'yo," rinig kong sabi ni Ezra kaya naman naibalik ang atensyon ko sakanya.
"Ano ba kasing ginawa niya?"
Sumulyap muli si Ezra kay Eion bago magdesisyon na sabihin nalang sakin.
"He outed Eion."
Nagpantig ang tenga ko. "Ano?"
Natigilan kami ng may dumaan na isang grupo ng lalaki malapit saamin at pare-parehas silang nag c-chant ng "Eion bading! Eion bading!" sabay tatawa. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko at nandilim ang paningin ko.
Makalipas trenta minuto, dalawa kami ni Eion, duguan ang kamao, si Levi na may malaking black eye, isang lalaking nagdudugo ang ilong at may poknat sa ulo at si Jet na naka akbay saaming dalawa ni Eion na may napakalaking ngisi sa labi ay nasa Dean's office.
Patay

YOU ARE READING
Bes, I Heart You.
HumorMahirap mainlove sa bestfriend mong lalaki. Pero mas mahirap kapag ang bestfriend mo ay gusto din lalaki