Kabanata 14

4K 225 98
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Nasa banyo ako nina Eion. Tulog na ang kuya Enrico niya pati ang mommy niya. Kami nalang ni Eion ang gising dahil nanood kami ng movie kanina.

Tinignan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Makinis ang mukha ko ngayon ngunit napansin kong medyo nananaba nanaman ang pisngi ko. Sumimangot ako at iniayos nalang ang buhok ko.

"Maglulugay ba ako?"

"Wag, mag ponytail ka nalang."

"Bakit?"

"Mukha kang bruha kapag naka lugay."

"Kingina mo Jet."

"Tsaka mas sexy kapag naka ipit, may hihilain."

"Para saan?"

"Sa"

Iniiling ko ang ulo ko at pilit na inalis sa utak ko ang imahe na itinanim ni Jet sa isipan ko kanina. Puro kalokohan talaga ang alam nun. Hindi ko nga alam ba't doon ako nanghihingi ng advice, andyan naman si Kenzie.

Lumabas na ako ng banyo at pinatay ang ilaw. Hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga binti ko habang naglalakad ako. Ang sabi ni Jet ay maganda daw kung maikling shorts lang ang suotin ko dahil kahit na maliit lang daw ako, nakaka akit parin ang legs ko. Naka sando lang din ako kaya naman nagmamadali akong nagpunta sa kwarto ni Eion dahil baka mamaya ay biglang lumabas si Kuya Enrico ng kwarto niya at makita niya ang itsura ko.

"Dapat dahan dahan ka lang papasok ng kwarto niya. Tapos bigyan mo siya nung mga mapang akit na tingin mo."

"May ganun ba ako?"

"Basta titigan mo nalang siya!"

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ni Eion at sinigurado kong legs ko ang unang lilitaw mula sa awang ng pintuan niya. Naka tingin ako sa baba at binagalan talaga ang pag pasok ko bago dahan dahang iniangat ang tingin ko.

Nakita kong pinapanood ako ni Eion at medyo naka kunot ang kanyang noo.

Kinu-kwestyon mo na ba ang sexuality mo Eion?

"Okay ka lang ba?" tanong niya. "Bilisan mo baka may pumasok na langaw."

"Ah okay," isinara ko na ang pinto at naglakad papuntang drawer niya para kunin ang lotion na naka patong sa ibabaw nito.

"Eto talaga, mag lotion ka ng legs mo tapos pa-simple mo siyang tignan."

"Yung parang sa mga commercial?"

"Oo, tsaka porn."

Naglagay ako ng lotion sa palad ko at ipinatong ko 'yung isang paa ko sa hawakan ng pinaka ibabang drawer ni Eion. Wala na saakin ang atensyon niya kundi nasa phone na niya at napaka lawak ng ngiti niya. Pero dahil pursigido ako, tinitigan ko siya at minasahe ang binti ko habang pinapahiran ito ng lotion.

Sa sobrang pagka distracted ko ay na-lotion-an ko na ang paa ko at nang ipatong ko ulit ko sa hawakan ay dumulas at tumama ang nguso ko sa tuktok ng drawer.

Napa upo ako sa sahig at napa hawak sa nguso ko. "Aray kooooo," daing ko.

"Ano nangyari?" tanong ni Eion na naka i-squat na sa tabi ko at tinitignang mabuti ang bibig ko. Itinaas niya ang isang kamay at hinaplos ng hinalalaki niya ang ibabang labi ko. "Pumutok lang pero 'di ka pa naman mamamatay. Ano ba kasi ginagawa mo?"

"Wala," itinulak ko ang kamay niya palayo.

Nangunot ang noo ni Eion pero wala siyang sinabi o 'di kaya'y ginawa. Tumango lang siya at bumalik na sa kama at nag-text na.

"Maniwala ka sakin, sexy ka. Kailangan mo lang paniwalaan sarili mo para makita niya din."

Huminga akong malalim at dahan dahang nagpunta sa tabi ni Eion. Naka higa ako sa kaliwa ko at naka patong ang ulo ko sa kamay ko. Ginawa kong busy ang kanang kamay ko sa pamamagitan ng pag laro sa t-shirt ni Eion.

Hindi niya pa ako tinitignan, natatawa siya sa kung anong binabasa niya sa text. Ibinaba ko ang kamay ko at itinrace 'yung balat sa ibabaw ng suot niyang shorts. Wala, hindi gumagana ang kahit anong gawin ko. Nag init ang ulo ko at bumilis ang pag hinga ko.

"Ano bang ginagawa mo?!" Inis na tanong ko. Hindi ko parin inaalis ang kamay ko sakanya pero tumigil na 'to sa pag galaw.

"May nanghingi ng number ko kanina," Jusko "kaya eto. May bago akong textmate. Nakakatuwaーah."

Natigilan siya ng magtama ang tingin namin. Masyadong mainit ang ulo ko at nagseselos ako sa kausap niya para mabasa ang kung anong ekspresyon sa mga mata niya.

"Sinong ka-text mo?" galit na tanong ko.

Wala na saakin ang mata niya kundi nasa katawan ko na. Tapos sinundan ng tingin niya ang kanang braso ko papunta sa kamay at nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya nang ma-realize niya kung nasaan ito.

Sinong lalaki nanaman ang kausap mo? Crush mo ba? Gwapo ba siya? Hindi mo nanaman ba ako papansinin? Kung ano ano na ang naisip ko. At sa inis ko, hindi ko napigilan sabihing ang, "Kami na ni Jet." At the same time sinabi niyang, "Andrea."

At sabay din kaming napa, "HA?!"

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon