Kabanata 16

4.2K 261 83
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Matagal akong natahimik. Inisip na din yata ni Eion na nakatulog na ako dahil ilang beses niya akong ginalaw.

Akin ka lang, paulit ulit siya sa isip ko.

Sa huli ay napa simangot ako at ibinuka ang bibig ko, "Aba gago ke damot mo naman pala!" Malakas na sabi ko bago ko siya itinulak. Umikot ako para maharap siya sabay sinapok, "Hindi ako isang bagay! Walang may ari sakin!"

Hinimas ni Eion ang ulo niya at sinamaan ako ng tingin, "Kaya mas gusto ko lalaki e! Masyadong madaming alam mga babae!"

"Hoy! Excuse me mister Eion Alexis Montero, pusong babae ka! Hindi ba?"

"Puso lang e organ ko hinde," tinaasan niya ako ng kilay. "Oh? May sasabihin ka pa?" Hamon niya at bumulong pa ng "Ba't ko ba 'to nagustuhan," eh narinig ko din naman!

Sinapok ko ulit siya, "Hindi ako kinikilig sa'yo!"

Umupo siya at inilayo ang sarili niya sakin. "Ba't ba ganyan kayong mga babae? Imbis na kiligin, nananakit pa! Alam mo ba pano kiligin mga ex-crush ko? Nanghahalik!"

"Anong gusto mo laplapin kita?!"

Bumalik na siya sa pag higa at humina na din ang boses niya ngunit nanatili parin ang simangot niya, "Minsan talaga ang sarap plasteran ng bunganga mo."

Humiga na din ako at parehas naming tinitigan ang kisame. Naka nguso ako dahil sa kumento niya pero hindi ko na siya inaway. "Linawin mo nga," panimula ko. "May gusto ka sakin pero bakla ka?"

"Baklang bakla."

"Hindi kaya't Bi ka?"

Nag tsk siya at ibinunggo ang balikat niya saakin. "Hindi ako attracted sa babae."

Lumipad nanaman ang kamay ko at lumapat ito sa mukha niya at umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng malakas na pagtama ng balat sa balat. "Sinasabi mo bang mukha akong lalaki?!"

"Pucha," mura niya bago niya hinablot ang dalawang kamay ko. Napa singhap ako ng pumaibabaw siya sakin at ikinulong ako sa pagitan ng dalawang binti niya. Namumula ang isang parte ng mukha niya at nag aapoy sa galit ang mga mata niya. "Isa pang hampas mo sakin, babanatan na kita."

Nabigla ako sa sinabi niya ngunit imbis na matakot at nagulat pa ako at nakaramdaman ako ng tuwa. Parang gusto kong tumawa.

Binigyan ko ng isang nakakalokong ngiti si Eion at kindat, "Kinky."

Namilog ang mga mata niya at agad akong pinakawalan. Napakamot siya sa ulo niya, "Bipolar ang puー" Napahilamos siya sa mukha niya at umalis na sa ibabaw ko. "Matulog na nga tayo. Antok lang 'to."

"Teka lang Eion! Hindi mo pa nililinaw!"

"Hindi ko alam okay?" aniya. "Ang alam ko lang, bakla ako, gusto ko mga lalaki, pero gusto din kita."

"So Bi ka nga!"

"Eh ikaw nga lang babaeng gusto ko?!" Medyo tumaas ang boses niya at napatakip nalang siya sa mukha niya. Naglabas siya ng hininga, "Literal na sa'yo ko lang talaga gusto magpakalalaki."

"So ako ang kaisa isang babaeng nakaka pagpatayo ngー"

Sinakop ng kamay niya ang bunganga ko para matigil ang kung ano mang sasabihin ko sana. "Niks, please. Maawa ka sakin."

Inalis ko ang kamay niya, "Bakit?" tanong ko ngunit may bahid na kalokohan sa tono ko.

"Ang weird mo."

"Mas weird ka," sabi ko sakanya. "Pero sige, weird na din ako kasi handa akong magpakalalaki para sa'yo."

Nangunot ang noo niya, "Ano?"

"Plan B namin ni Jet," sagot ko. "Eto ang plan A. Ang halayin ka. Sinabi ko na sakanya na hindi 'to gagana dahil matagal na akong nag ta-try pero mapilit siya."

"Ano 'yung plan B?"

"Papahiramin niya akong mga damit tapos aakyat ako ng ligaw sa'yo."

Tinignan ako ni Eion na para bang nababaliw na ako. Kung ako ang nasa posisyon niya ay ganun din siguro ang iisipin ko. Masisisi niyo ba ako? Si Jet ang utak sa lahat ng planong 'to. At kapag kay Jet, walang normal na plano. Promise, tingin ng lalaki 'yon ay may chance pa siyang maging Spy Kid.

"Alam mong ang isang t-shirt ni Jet ay mag mumukhang daster sa'yo, right?"

"Pwedeng i-tuck in," kibit balikat na sagot ko bago siya tignan. "Handa akong i-try lahat magka chance lang sa'yo."

"Kinikilig ako," pag amin niya. "Pero hindi parin kita pinapatawad sa paghahalikan niyo ni Jet."

Halos sumabog na ako sa gilid at hindi ko napigilang mapatawa sa naisip ko. Kinakabahan ako pero sinabi ko parin, "Edi halikan mo ako para mabura na mga halik niya?"

Napatingin siya sakin. Halatang nagulat sa sinabi ko. Pero dahan dahan siyang lumapit. Nagwala ang puso ko. Tapos.. sinapok niya ako.

"Asa, hindi ako easy noh."

Edi wow.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon