Kabanata 11

4.7K 269 86
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"Okay ka na?"

Itinungga ni Eion 'yung San Mig Light na hawak hawak niya habang tumatango. May ilang alak na lumagpas sa labi niya at tumulo at pinigilan ko ang sarili ko na punasan 'to.

"Eion, tama na" sabi sakanya ni Jet na namumula ang buong mukha.

Pinunasan ni Eion 'yung bibig niya, "Kaya ko pa."

Sa saglit na pag sulyap sa mga labi niya, naalala ko nanaman ang nangyari kanina.

Hindi ako pumayag na halikan siya.

Mahirap paniwalan pero totoo. Ako na mismo ang humindi dahil alam ko sa sarili ko na pag sisisihan ni Eion 'yon kapag nakapag isip na siya ng diretso. Kilala ko 'yan e, minsan kapag naii-stress o nagpa-panic siya, kung ano ano ang lumalabas sa bibig niya.

Kahit anong pilit niya, bakla siya. 'Yun na 'yon.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at iginala nalang ang mga mata ko. Nasa bakuran kami ng bahay ni Kuya Asher, 'nag ce-celebrate' dahil hindi sila nadala sa prisinto at natakot nila ang mga nang agrabyado samin. May mga ilang galos at pasa sila, paano ba naman? Sampo ang sinugod nila at apat lang sila.

"Hindi na talaga ako mag bo-boyfriend," seryosong sabi ni Eion.

"Eh girlfriend?" mabilis na tanong ko.

"Wag ka na," ani Jet. "Nag-offer na ng laplap kanina ayaw mo pa."

Napa simangot ako sa sinabi niya bago mabilis na ngumiti at magsalita, "Gusto ko kasi ikaw."

Tumayo siya at tumango, "Tara!"

Kumapit ako kay Eion, "Bes oh si Jet! Gagawa daw kaming baby!"

Umangat 'yung gilid ng labi ni Eion at tinignan niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata. "Gusto ko baby girl ah?"

Tumayo si Jet sa harap ko at nagsimula na akong tumawa. Nang akmang hahawakan niya ako, mabilis akong niyakap ni Eion at hinila hanggang sa naka kandong na ako sakanya. Itinuro niya si Jet, "Bawal pa. Baby pa 'to."

"Uy," umupo si Ate Christine sa isang bakanteng upuan. "Laro naman tayo."

Andito din kasi ang ibang tropa nina Kuya James. Isa na doon si Kuya Troy na suplado at 'yung kwelang girlfriend niya na si Ate Christine.

"Ng ano ate?" tanong ni Jet na umupo na sa inuupuan ko kanina.

"Tong its" itinuro niya 'yung mga baraha na naka kalat sa lamesa.

"Game!" pag sali ko. "Tatlo tayo nila Jet, ate. Kampi kami ni Eion."

"Ang daya! Bawal kampi," reklamo ni Jet.

"Ikandong mo si Ezra," itinuro niya si Ezra na tahimik na nag ce-cellphone. "Kampi kayo."

Nag pout si Jet bago niya sinabing, "Ezi baby.."

Nagtawanan kami lalo na sa reaksyon ni Ezra. Gulat na tinignan niya si Jet at mabilis na sinabing "Pakyu"

Matapos ang ilang pag da-drama ni Jet, nag-shuffle na si Ate Christine ng baraha. Naka sandal ako sa dibdib ni Eion, 'yung ulo namin magka dikit at parehas kaming nag a-arrange ng baraha na nakuha namin.

"Ibaba mo na 'to," sabi ni Eion sakin habang nakaturo sa nag iisang Queen of hearts.

"Baka may mag drop ng tatlo Queen.." bulong ko sakanya.

"Yung ten nalang pala," aniya kaya naman ayun na ang ibinaba ko.

Buong laro, nagtuturuan lang kami ni Eion ng gagawin. Palaging talo si Ate Christine habang si Jet naman ang sunod sunod na nananalo. Kami ni Eion, chill lang. Minsan panalo, minsan talo. Wala din namang taya kaya ayos lang.

Hindi nagtagal ay lumapit na si Kuya Enrico sa lamesa namin. "Adeng," tawag niya kay Eion. "Uwi na tayo."

"Naglalaro pa kami kuya," reklamo ko.

"Tignan mo nga 'yan oh," itinuro niya si Eion. "Bagsak na mga mata."

Tinignan ko si Eion na mukhang isang pitik nalang at tulog na kaya naman napabuntong hininga ako at dahan dahang tumayo. Nabigla ako nang hapitin ni Eion 'yung baywang ko at nang tinignan ko siya nakita kong gising na gising na siya. "San ka punta?" tanong niya.

"Uwi na daw kayo ni Kuya mo," natatawang sabi ko habang tinatanggal 'yung kapit niya sakin.

"Ha?" napatingin siya sa kapatid niya. "Ay"

"Tara na," aya Kuya Enrico. "Mag aala una na e."

"Ah, okay" tumayo na si Eion kaya naman kinuha ko na 'yung pwesto niya.

"Ingat p're" ani Ezra at tinanguan siya ni Eion.

"Jet," tinignan ni Eion ng seryoso ang bruto sabay itinuro ako.

"Ako na bahala," sagot ni Jet. "Ingat pag uwi."

"Bes," ako naman ngayon ang tinawag niya. "Bukas nalang"

"Okay" ngumiti ako at kumaway na.

Naglakad na sila papunta sa loob ng bahay hanggang sa hindi ko na sila makita.

Mga bandang alas tres, nasa labas kami ng gate ni Jet. Nagku-kwentuhan ng kung ano ano habang nag sh-share sa isang bote ng red horse. Parehas na kaming lasing at kanina pa kami tawanan ng tawanan. Hahatid lang talaga dapat namin si Ezra nung nagpaalam na siya na uuwi pero imbis na bumalik sa loob, napatambay na kami ni Jet.

Etong klaseng lasing na 'to ay 'yung wala na talaga kami pareho sa tamang wisyo. Ilan ilan nalang ang maaalala namin pagka gising, panigurado.

Ngayon ay tahimik na kami pareho. Nag iisip ng bagong pag uusapan. Bagong ala-ala na iku-kwento. Tapos bigla nalamang siyang nag salita.

"Ang sarap umasa ano?" aniya bago tunggain 'yung bote. "Lasang tanga."

"Nakuha mo lang 'yan sa facebook e," naka ngiting sabi ko. "Pero seryoso, totoo 'yan. Kaso wala e, ano bang magagawa mo? Mahal mo."

"Tanga mo kanina Niks, sana hinalikan mo na"

Naihilamos ko 'yung isang kamay ko sa mukha ko at napa sandal sa balikat ni Jet. "Kung iba lang sana ang sitwasyon Jet, ginawa ko na."

"Ano ba ang sitwasyon kanina?"

Inalis ko 'yung ulo ko sa balikat niya para makita niya ang frustrated kong mukha, "Gusto niyang halikan ko siya para may mapatunayan Jet. Hindi dahil gusto niya talaga"

"Eh ikaw? Gusto mo naman diba?"

"Oo," sagot ko. "Tsaka alam mo? Naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao, na straight ha, 'yung alam mong may pag asa ka talaga. Kapag nakita mo 'yung opportunity, dapat halikan mo na."

"Ganun ba?"

Tumango ako.

At hinalikan niya ako.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon