Kabanata 25

3.3K 184 24
                                    

Kung nakakapatay lang talaga ang tingin, six feet under na si Eion ngayon.

Ano 'to? Nagseselos siya kay Jet kaya pagseselosin niya din ako? Gaguhan lang ba?

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya sakin. Tinignan niya ulit ang direksyon na pinuntahan ni Charles at parang hinahanap niya pa 'to.

"Try mo mag-cr, malay mo nandoon 'yung hinahanap mo." Sabi ko habang inililigpit ang gamit ko. "Or better yet, sa loob ng closet since.. hindi pa naman siya naglalantad 'di ba?"

Hindi ko tinitignan si Eion pero alam kong nakatingin na siya sakin. Nararamdaman ko ang mga tingin niya sa balat ko at pakiramdam ko ay dinidilaan ako ng apoy.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Babalik na ako sa classroom," sagot ko. Iniipit ko 'yung ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga at tumayo na. Tinignan ko ang mga kaibigan ko, "Guys, mamaya nalang."

Mabilis akong naglakad palayo kahit na pasimple akong naghihintay. Kapag si Eion hindi ako sinundan ngayon mag i-iskandalo ako.

Wala pa ako sa pinto ng cafeteria ay naramdaman ko na ang kamay ni Eion sa braso ko.

'Wag kang ngi-ngiti, Nicolette. Magpigil ka ng kilig!

"Nicky." Mabilis akong napalingon at gulat na napatitig kay Ezra. "Naiwan mo 'yung pambura mo."

Tumingin ako sa lamesa at nakita si Eion na pinapanood ang nangyayari. Nakangiti siya at parang nagpipigil ng tawa.

Hinampas ko ng bag si Ezra. "Dun ka nga!"

Sinamaan ko ulit ng tingin si Eion bago tumalikod. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang buong mukha ko. Bwisit na bakla na 'yun!

Pagdating ko sa labas ng cafeteria ay nakita ko kaagad si Charles na naglalakad naman pabalik. Nagkatinginan kami at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nilapitan ko siya at itinaas ang isang daliri ko. "Akin si Eion ha!" Sabi ko sakanya.

Matangkad si Charles pero napa atras siya nang ilapit ko ang hintuturo ko sa mukha niya. Halos maduling duling na siya habang nakatingin dito.

"Gets mo ba? His ass is mineーhoy! Ibaba mo ako!"

Hinampas hampas ko 'yung braso na bumalot sa baywang ko. Nakatagilid na ang buong katawan ko at hindi ko magawang tignan kung sino ba ang bumuhat sakin dahil baka malaglag ako. Pero nakita ko si Charles, nakatayo at nakatulala doon sa malayo.

"Hoy Charles!" sigaw ko at napatingin siya sakin. "Hindi pa tayo tapーoomph!!" May nagtakip sa bibig ko at nagiba na ang buhat saakin. Kung kanina ay nakatagilid, ngayon naman ay 'yung likod ko ay nasa harapan na nung mamaw.

"Iskandalosa ka talaga," rinig kong sabi ni Eion sa tenga ko. "I should lock you up."

Pumalakpak ang tenga ko sa boses niya. Yay! Papi!

May sinubukan akong sabihin pero dahil nakatakip ang kamay niya sa bibig ko ay wala siyang naintindihan.

"Ano?" tanong niya bago alisin ang kamay niya.

"Saan mo ako ikukulong? Sa kwarto mo?"

"Gaga!" Ibinaba niya ako. "Malandi ka!"

"Mas malandi ka!" Sigaw ko sakanya. "Yang malalaki mong mata kung saan saan tumitingin!"

Nang gigigil na tinulak niya ang noo ko gamit 'yung hintuturo niya. "Punggok!"

"Mamaw!"

Lumaki 'yung butas ng ilong niya sa inis. "HAHALIKAN NA KITA!"

Pumalakpak ako, "Game!"

"Hmm," May kamay na sumakop sa mukha naming dalawa at pinaghiwalay kami. "Rinig na rinig kayo sa buong campus. Get a room, 'wag dito." Sabi ni Declan sa amin.

"Aray ko 'yung ilong ko," sabi ko habang hinihimas ito at tinitignan ng masama si Declan. Panira 'to! Mahahalikan na ako eh!

"Grabe kayo bes hanggang loob ng cafeteria naririnig namin kayo," sabi sakin ni Kenzie. "Ano ba? Bakit ba kasi kayo nag-aaway?"

"Naglalandian kami," sagot ko. "Diba, Eion?"

"Tch," inirapan niya ako at humalukipkip bago humarap sa ibang direksyon.

"Hahalikan na sana niya ako eh," pagpatuloy ko.

"YUN OH!" malakas na sabi ni Ezra kaya naman napatingin kami sakanya. Sa laro siya nag-react, hindi samin. Sinapok siya ni Kenzie. "Aray! Ano yun?"

"Anywayー"

Tumunog na ang bell at umalingawngaw ito sa buong campus.

"Okay," ani Ezra habang ibinubulsa ang psp niya. Kinawayan niya kami, "Later guys."

"Akyat na tayo," aya samin ni Declan bago akbayan si Kenzie.

Nagtinginan kami ni Eion at naningkit ang mga mata ko. Inirapan niya ulit ako bago kunin ang kamay ko.

"Hindi pa tayo bati," sabi niya sakin.

"Whatever," sagot ko naman bago ipinagbuhol ang mga daliri namin.

"Abnormal talaga 'tong dalawang 'to eh noh babe," sabi naman ni Kenzie kay Declan. Hindi namin sila pinansin.

"May utang ka saking kiss."

Nakita kong umangat ang gilid ng labi ni Eion. "Mamaya."

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon