Kabanata 7

4.7K 310 64
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"Niks bilisan mo!" sigaw ni Eion.

"Teka lang kasi! Hindi ko masuot 'yung palda ko oh?!"

"Akin na nga!" Lumapit siya sakin at hinawakan 'yung magkabilang dulo sa may tuktok ng zipper. "Stomach in!"

"Aray naman Eion 'yung balat ko naipit!"

"Asan na 'yung uniform mo?"

"Andun naka sampay sa may cabinet," sagot ko. Naglakad siya papunta doon para kunin 'to kaya naman nag apply na ako ng deodorant sabay chineck 'yung make-up ko.

Pinakiramdaman ko 'yung balat kong naipit, "Ang sakit talaga."

"Sorry na," ani Eion habang tinutulungan akong isuot 'yung pang itaas kong uniform. "Ikaw naman kasi, ang bagal bagal mong kumilos. Asaan ba? Nasugat ka ba?"

"H-Hindi.. mahapdi lang."

"Napaka iyakin mo talaga," sabi niya habang pinupunasan 'yung gilid ng mata ko. "Pa make-up make-up pa, mas maganda ka naman kapag wala."

Suminghot ako, "Magulo pa buhok mo oh," sabi ko bago tumingkayad para mai-ayos 'to habang siya naman ay binubutones 'yung pang itaas ko.

"Ay tanga," bigla nalamang niyang sinabi. "Eto muna dapat bago palda. Hubad, bilis!"

Ibinaba ko ulit 'yung palda ko dahil dapat naka tuck in 'yung pang itaas. Sa sobrang pagmamadali ni Eion sa pag zipper at napa angat na 'yung katawan ko kasabay ng pag taas niya ng kamay para maisara 'to.

"Tara tara bilis," pagmamadali niya sakin kaya naman halos tumakbo na kami palabas ng bahay.

Hindi naman kasi talaga kami late, gusto lang ni Eion na 30 minutes early kami sa school. Palagi siyang ganun maski nung highschool palang kami. Alas nueve ng umaga ang unang klase naming dalawa ngayon pero gusto niya ay eight thirty palang andoon na kami kaya naman alas syete palang ng umaga ay kumakatok na siya sa kwarto ko.

"Trike!" sigaw ni Eion pagkalabas namin ng bahay. Bukas nga aagahan ko na talaga para pagka katok niya sa kwarto ko ay naka ready na ako.

May tumigil na tricycle sa harap namin at this time, sinugurado na talaga ni Eion na walang kung anong bakal na tatama sakin. "Ayokong maghanap nanaman ng band aid," ang sabi niya at napangiti nalamang ako.

Si Jet palang ang nasa school pagka dating namin. Nasa may cafeteria siya, kumakain ng pizza.

"Pakagat!" sabi ko kaagad ng makita siya. Sinubuan niya ako sabay in-offer sakin 'yung coke niya. "Thank you"

"Hindi ka ba nag almusal?" tanong niya sakin.

"Kumain," sagot ko. "Na inggit lang ako."

Kinuha na pabalik ni Jet 'yung inumin niya habang tumatango tango. "Ikaw, 'Yon?"

"Busog pa ako," sagot ni Eion. "Wala pa sila Kenzie?"

Puno ang bibig ni Jet kaya naman umiling lang siya sabay pinilit lumunok, "Si Ezra andyan na, kanina pa klase nun e."

"Pakagat pa nga ako," sabi ko kaya naman inilapit ni Jet saakin 'yung pizza niya para makakagat ako.

Bigla nalamang nag sungit si Eion at sinabing, "Bumili ka na nga lang ng sa'yo."

"Oh, bumili ka daw. Nagseselos 'yung boypren mo," ani Jet.

Napangisi ako sabay inabot 'yung kamay ni Eion, "Selos ka babe?"

Tinanggal niya 'yung kamay niya sakin at sinimangutan ako, "Kadiri ka."

"Arte neto, dilaan pa kita e."

"Nicoleー"

"Brad si Levi oh"

Parehas kaming natigilan ni Eion at napatingin sa direksyon na itinuturo ni Jet. Nakita namin kaagad si Levi na kakapasok palang ng canteen.

"Levi!" agad na sigaw naman ni Eion.

Nagkatinginan kami ni Jet dahil sa inarte ni Eion na para bang sobrang excited talaga siyang makasama si Levi. Nakakabigla lang dahil usually ay napaka sungit ni Eion sa mga taong kakakilala niya palang. Gusto niya siguro 'tong lalaking 'to.

"Uy," nahihiyang lumapit sa table namin si Levi. "Hi, goodmorning."

"Morning," sabay naming bati sakanya ni Jet.

"Upo ka dito oh," ani Eion bago umusog para maka upo sa tabi niya si Levi.

Dapat sa tabi nalang ako ni Eion umupo e!

"Oh, salamat."

"You nervous, man?" tanong sakanya ni Jet.

"Medyo," tumawa siya. "First day e."

"Don't worry, mabait mga tao dito," sabi ko sakanya. "Ang natatanging manganggat lang sa'yo 'yang katabi mo oh."

Tumawa si Eion sa sinabi ko pero nahuli ko pa din ang pag twitch ng isang mata niya kaya alam kong malayong malayo siya sa pagiging masaya.

Napa sulyap ako sa may entrance ng canteen saglit dahil iniiwasan ko ang nanlilisik na mga mata ng bestfriend kong bading (na mahal ko, just so you know) (like, literal na inlove ako sakanya) (*croo croo*) (more than a friend) (ANYWAY...) kaya naman nakita ko kaagad si Declan Hart.

Napahampas ako sa lamesa kaya naman nagulat si Jet at nabilaukan. "Naks naman Dec! Nagpagupit na talaga!"

Umangat 'yong gilid ng labi ni Declan at itinaas niya ang isang kamay para kawayan kami. Naka-shave na ang parehong side ng buhok ni Declan pero nanatiling mahaba ang gitna nito. Hindi gaanong mahaba para maiipit pero mahaba na para umabot sa mga mata niya.

Sunod na pumasok si Kenzie at halos malaglag na ang panga namin dahil sa new look niya.

"Nagpagupit ka din?!"

Tumatawang lumapit sa table namin si Kenzie, "Eh eto kasing si Declan e, mag papagupit lang daw kapag nagpagupit din ako."

"Sayang 'yung buhok mo," nanlulumong sabi ko. Ang haba haba kasi ng buhok ni Kenzie tapos ang ganda ganda pero ngayon ay hanggang baba nalang 'to ng panga niya.

"Bakit? Maganda parin naman siya ah," sabi ni Declan bago akbayan ang girlfriend niya.

"Awe babe," ani Kenzie bago halikan sa pisngi si Declan. Gumawa ako ng tunog ng nasusuka kaya naman lahat ng atensyon nila ay nailipat sakin.

Inakbayan ako bigla ni Jet at agad kong naramdaman ang bigat ng braso niya. "Don't worry baby, papakalbo tayo mamaya."

Wengya ka talaga Jet!

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon