Kabanata 32

3.8K 199 72
                                    

Ihahatid ako ni Jet pauwi.

Nauna na kasing umuwi si Declan at Kenzie, sumabay na din sakanila si Ezra kaya naman naiwan kami ni Jet. Ilang kanto lang naman ang layo ng bahay ko sa bahay ni Nicolette pero dahil gabi na, ihahatid nalang daw ako ng kaagaw ko sa atensyon ni Nicky.

Kanina nanaman para silang may sariling mundo. Nang aasar si Jet at si Nicky naman naiinis pero tawa lang din ng tawa. Kala naman nila ang cute cute nila pero ang totoo ay mukha silang mga takas sa mental. Mga abnormal.

Hinarang ko 'yung paa ko sa dadaanan ni Jet kaya't natapilok siya at muntik na matumba. Kaagad akong natauhan at nahimasmasan.

"Sorry, Jet. 'Di ko sinasadya."

Lol, i'm such a liar.

Nginitian ako nung unggoy, "Ice lang."

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng tahimik. Isang kanto nalang ay nasa bahay na kami. Nangangati ang dila ko at may gusto akong tanungin sakanya pero parang mali. Baka mahalata niya ako. Ano kaya ang iisipin niya?

"Huy," mahina niyang ibinangga balikat niya sakin. "Okay ka lang?"

"May iniisip lang," sagot ko sakanya.

"Si Nicolette 'yan noh?" Tinapunan ko siya ng masamang tingin at mas lalo lamang lumawak ang ngiti niya. Nag init ang tenga ko. "I know you like her," parang nang aasar niya pang dagdag.

"Tigilan mo nga ako, Jet."

"Namumula ka oh!" Pinindot niya 'yung pisngi ko kaya naman sa inis ko ay sinuntok ko siya sa braso. "Binata ka na boy!" Ni hindi man lang nasaktan! Badtrip!

Inirapan ko nalang siya at bumaling nalang sa ibang direksyon. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Do you like her?" Bigla ko nalamang naitanong. Hindi ko na napigilan sarili ko.

"Hm? Bakit mo natanong?" Hindi siya nabigla sa tanong ko, hindi din naman siya parang natatawa. Kalmado lang. Ni hindi niya tinanong kung sino 'yung her.

"Na-curious lang."

Inakbayan niya ako at sinubukan kong tanggalin ito pero masyadong mabigat ang braso niya. Nang lulusot naman sana ako pailalim ay humihigpit ang kapit niya.

"Alam mo, Eion, 'yun si Nicole, hinihintay ka lang na ligawan siya." Aniya na para bang hindi ko pa alam 'yon. "Mahilig 'yun sa mga corny na ganun eh. Gusto niya old school daw."

"Kelan niya sinabi sa'yo 'yan?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya, "I don't know? A year and a half ago?"

May pagka makakalimutin si Jet. Hindi niya basta basta inaalala ang isang bagay unless may kakaiba 'tong impact sakanya o 'di kaya'y sobrang importane.

"You like her," sabi ko sakanya.

Natigilan siya at nakita ko ang pagtaas at baba ng adam's apple niya bago siya mag iwas ng tingin. "It doesn't matter."

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita. "Jetー"

"Dito na," aniya bago ako ngitian.

"Huh?"

"Dito na," natawa siya bago may ituro sa likuran ko. "Ayan na bahay niyo oh." Tinapik niya ako sa balikat. "Sige na, pasok ka na. We'll talk tomorrow."

"Jetー"

Tinakpan niya bibig ko. "Bukas na," aniya bago ngumisi. Binitawan na niya ako at umatras. "Bigyan kitang tips pano manligaw ng babae. Expert ako jan."

"Edi bakit hindi mo niligawan si Nicole?"

Tumawa siya, "Nagseselos ka lang kaya mo nasasabi 'yan oy!" Inilingan niya ako at humakbang ulit pa atras. "Itulog mo nalang 'yan Eion. Uwi na 'ko, babye!"

Pinanood ko siyang mag jog palayo hanggang sa hindi ko na siya nakikita at napailing nalang din bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

•••

"Nasan na 'yung kailangan i-review?" tanong ni Nicky habang binubuklat ang notebook niyang puno ng sulat. May mga iba't ibang kulay ng reminder na nakadikit sa ibabaw ng pages niya, bawat isa ay pagbinuksan mo, may importanteng topic. Iniipit ni Nicky ang buhok niya sa likuran ng tenga niya at imbis na sagutin ang tanong niya ay natulala lang ako.

"Huy," pinindot niya ilong ko. Meron siyang maliit na ngiti na para bang alam niyang nagagandahan ako sakanya at nagdidiwang siya sa isipan niya.

"Ewan ko," sagot ko. Nangalumbaba ako at tumingin sa malayo.

Ayaw kitang tignan Nicolette! Masyado kang maganda baka mahalikan kita.

"Yung pink 'yun bes, sabi mo ipaalala ko." Sabi sakanya ni Kenzie. Nandito din si Ezra at nakangudngod nanaman 'yung mukha niya doon sa psp niya. Wala si Declan at si Jet.

Sabi ni Jet tutulungan kuno niya daw ako pero ni anino niya ngayon 'di ko nakita! Magkasama 'yung dalawang itlog panigurado. Ano kayang pinaplano nila?

"Ah, oo nga pala! Thank you." Natatawa niyang binuksan 'yung sa may pink na reminder at nagsimulang magbasa.

Ako ba mag re-review? Quiz ko din 'yan eh. Importante. Pero tinatamad ako kaya 'wag nalang. Mamaya na sa bahay. Siguro. Kung sipagin.

"Uhm, Eion?" May kumalabit sakin. Nilingon ko 'yung tumawag sakin at maski ang tatlo kong kasama ay napatingin doon sa babae. Nahihiya niya akong tinignan at iniipit 'yung buhok niya sa likod ng tenga. Pangit.

"Ano 'yun?" tanong ko.

Mabilis siyang napatingin sa likod ko at nahuli ko ang maliit na pag iba ng ekspresyon niya at ang pag atras niya. Sumulyap ako kay Nicky at nakitang nakangiti lang naman siya. Bumaling ulit ako dun sa babae.

"M-May nagpapa abot lang." Nabigla ako nang idikit niya 'yung hawak niyang post-it note sa noo ko bago kumaripas ng takbo palayo samin.

"Ano 'yan? Ano 'yan?" tanong ni Nicolette. I was too shocked to move. Anong ginawa nung babae sakin? Hinawakan niya ako?

Nag lean over si Ezra sa lamesa at inalis 'yung nakadikit sa noo ko. "Coffee date at 4? J."

"Ha?" tinignan ni Kenzie 'yung papel tapos agad naman 'tong kinuha ni Nicolette. Nakita kong lumaki 'yung butas ng ilong niya at humaba 'yung nguso sa inis.

"Sino 'tong J?" tanong niya sakin bago ipakita 'yung papel.

Coffee date at 4?

-J

Tangina ka, Jet Axl.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon