Kabanata 30

4.3K 201 52
                                    

"Hindi kayo nagugutom?" tanong ni Jet nagpapaikot ikot sa swivel chair ko.

"Kumakalam na nga 'yung tyan ko eh," sagot ni Ezra sakanya. Nakahiga siya sa tabi ko, nabigla pa ako nung nagsalita siya dahil akala ko ay tulog siya katulad ni Eion. Tulog din si Kenzie at Declan ngunit nandoon sila sa nilatag nilang foam sa sahig.

"May bakery malapit dito 'di ba?" Inilabas ni Jet 'yung wallet niya sa bulsa at tinignan ang laman. Ta's tinanguan niya si Ezra. "Tara Ez, bili tayo."

"May gusto ka?" tanong ni Ezra sa akin dahil ako lang ang gising.

"Spanish bread," sagot ko bago humikab. "Tsaka ensaymada."

Bumangon na si Ezra at sabay na silang lumabas ni Jet as quietly as possible. Nakaharang din kasi ang foam nina Declan sa dadaanan nila. Muntik pang matapakan ni Jet si Kenzie.

Sumara na ang pinto at bumaling na ako sa cellphone ko. Inaantok ako pero hindi ko magawang makatulog. Lalo na't katabi ko si Eion, hindi ako mapakali.

Nilingon ko siya, nakadapa siya ngunit ang mukha niya ay nakaharap sakin. Tulog na tulog at yakap yakap ang unan ko. Gumawa ako ng mental note na gamitin ang unan na 'yon mamaya dahil panigurado ay dumikit na ang amoy niya doon.

Lumingon na ulit ako sa kabilang direksyon pero biglang umungol si Eion bilang protesta at bumalot 'yung isang braso niya sa baywang ko at hinila paharap sakanya.

"Huy," magkalapit ang mukha namin. Nakatuli ang mga braso ko at dakadikit ito sa dibdib ko. "Gising ka?" mahinang tanong ko. Nagtaas ako ng isang daliri sabay sinundot siya sa ilong.

Umungol ulit siya at iniling ang ulo niya bago niya ito nilapit ng sobra, gahibla nalang ang pagitan ng mga labi namin. Napasinghap ako at medyo napaatras dahil sa pagkabigla habang si Eion ay nakapikit pa rin at parang tulog na tulog.

Hindi ko magawang umatras pa dahil nakalapat sa likod ko ang isang kamay niya. Konting galaw pa.... hahalayin ko na 'tong ungas na 'to.

"Bakla!" Pasigaw na bulong ko. Ni isang kibot ay hindi niya ginawa. "Huuuuuyー"

Dumampi ang labi ni Eion sa labi ko ng saglit bago niya ako isiniksik sa dibdib niya.

"Sleep," aniya.

Saglit akong natulala bago ko inangat ng kaunti ang ulo ko oara makita ang baba niya. "Lalaki ka na ba talaga?" tanong ko. Ramdam na ramdam ko pa rin 'yung malambot niyang labi sakin.

"Sa'yo lang," tipid na sagot niya.

Napanguso ako, "Liligawan mo ba ako? Kasi kung hindi bawat halik mo piso."

Gumalaw siya at tinignan ako ng nakakunot noo. Ta's bumunot siya ng bente sa bulsa niya at inilapit 'to sa mukha ko.

Tinignan ko 'yung pera, sa sobrang lapit nito ay naduling na 'ko. Tapos pakonti konting umasim ang ekspresyon ko at mabilis ko siyang nasapok.

"Aray ko!"

Umupo ako, "Tangina mo ah."

"Jino-joke ka lang eh!" Hinimas niya 'yung ulo niya.

Nanggigigil kong tinulak 'yung noo niya gamit 'yung hintuturo ko. "Manligaw ka, manyak ka, halik ka ng halik sakin."

"I'm sorry, I can't help it." Kinagat niya ang ibabang labi niya at pinisil ang baywang ko. "Ang lambot mo."

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon