Kabanata 18

4.3K 250 29
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Bumababa ako ng hagdan nang may makita akong bulto sa may madilim na storage room. Katapat lamang kasi 'to ng hagdanan at palaging bukas ang pinto. Noong una ay akala ko janitor lamang 'yon pero parang nagtatago 'yung tao kaya naman napakunot ang noo ko.

Katabi lang ng storage room ang banyo ng mga babae. Tatakbo na ba ako? Mamaya baliw 'yung taong 'to tapos nakapasok lang ng school para mang chukchak ng mga inosenteng studyante.

Oh gosh, tumakbo ka Nicolette! Maganda ka pa naman!

Binilisan ko ang lakad ko at nalagpasan na 'yung storage room ngunit hindi parin palagay ang loob ko. Bilisan mo Niks! Napasigaw ako nang may braso na bumalot sa baywang ko tapos tinakpan ang bibig ko. Nagsimula akong magpumiglas at ang mga studyante na nakakakita ng nangyayari ay nanonood lang at parang natatawa pa!

Nilakihan ko sila ng mata ngunit umiling lamang sila. Nang tignan ko 'yung braso na nasa baywang ko, naputol ang sigaw ko at napatigil ako. Tapos napalitan ng straight face ang expression ko at hinayaan na 'yung kumag na hilain ako papuntang storage room.

Pagka pasok sa loob ay isinandal niya ako sa dingding na para bang isang lamang akong gamit. Sa totoo lang, sa laki niya ay kaya niya talaga akong igalaw galaw ng parang manika lang. Humalukipkip ako at sinimangutan siya, "Anong trip mo?" tanong ko sakanya.

"Andyan ba siya?" tanong niya.

"Nasa canteen siya, magkikita kami." Kinamot niya 'yung ulo niya. "Bakit ba?" tanong ko.

Pumadyak siya, "Miss na kita!"

Itinulak ko 'yung noo niya, "Araw araw mo akong kasama!"

"Hindi naman kita malapitan," aniya. "Sino nalang pagsasabihan ko ng jokes ko?"

"Ang arte mo, Jet."

Nag-pout siya bago niya binuksan ang dalawang braso niya, "Pa-hug pala habang wala pa 'yung seloso."

Naka simangot ako at medyo naka nguso pero humakbang parin ako at nagpa yakap sa higanteng Jet. Hindi ko na naiwasang hindi tumawa nang buhatin niya ako.

"Baba!" natatawang sigaw ko ngunit naramdaman ko siyang umiling. Namilog ang mga mata ko nang maglakad na siya papalabas ng storage. "Jet, baba!"

Ibinaba niya ako at nakita kong naka pout parin siya. Sa pang gigigil, kinurot ko ang pisngi niya. "Makulit!!"

Hinimas niya ang pisngi niya, "Aray ko naman."

"Nakaka gigil ka kasi e," sabi ko sakanya habang masama ang tingin. Iniayos ko 'yung strap ng shoulder bag ko sa balikat. "Mauna na ako sa canteen."

"Sabay na tayo," aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Sure ka?"

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon