Kabanata 1

8.4K 346 63
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"Bes pahiram ng shirt ah?" paalam ko kay Eion habang nagkakalkal sa cabinet niya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at basta nalang akong kumuha.

Nakita ko 'yung favorite ko na shirt niya kaya naman eto 'yung kinuha ko. Nilingon ko siya at nakitang nakahiga doon sa kama niya habang nakatakip 'yung braso niya sa mata niya.

Nagkibit balikat ako at binuksan na 'yung butones ng pantalon ko. Nahirapan pa 'kong hubadin 'to pero nagawa ko naman. Sakit sa hips teh.

Sinunod kong tanggalin eh 'yung blouse na suot ko. Nag inat inat pa 'ko ng konti bago suotin 'yung shirt ni Eion na umabot hanggang mid-thigh.

Humikab ako at kinuha 'yung laptop ko mula sa back pack ni Eion tapos umupo na doon sa kama at sumandal sa head board. Chineck ko 'yung phone ko at nakitang may text galing kay Mama. Tinatanong kung asaan ako.

To: Mama

Dito ako kila Eion, Ma.

sent 8:36pm

------

From: Mama

Ah, jan ka na matutulog?

received 8:37pm

------

To: Mama

Opo :)

sent 8:37pm

------

From: Mama

Okay. Umayos ka jan Nicole ha! Maaga kang umuwi bukas.

received 8:38pm
------

To: Mama

Opo ma.

sent 8:38pm

Inilapag ko na 'yung phone ko doon sa maliit na drawer sa side ko tapos nagsearch na ng mapapanood na movie habang nakakagat labi.

Habang nag s-search, naramdaman ko 'yung mainit na kamay ni Eion sa binti ko kaya naman iginilid ko 'yung ulo ko para masilip siya.

"Ginagawa mo?" inaantok niyang tanong. "Tsaka shirt ko ba 'tong suot mo?" hinila niya 'yung dulo ng t-shirt.

"Hindi, sa tatay mo 'to."

"Tsk," dahan dahan siyang umupo. "Hagis kita e."

"Kiss mo nalang!"

"Sapak gusto mo?"

Napanguso nalang ako at napag isipang ipagpatuloy nalang 'yung pags-search ng magandang movie.

"Oy." pinitik niya 'yung legs ko kaya naman tinadyakan ko siya. "Aray naman!" reklamo niya.

Nakita ko 'yung Magic Mike kaya naman napangiti ako at pinindot 'yon.

"Anong movie?"

Hindi ko parin siya pinapansin. Kahit na ba tumabi na siya sa'kin at ibakbayan pa 'ko. Inayos ko 'yung sarili ko at sumandal doon sa dibdib niya.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon