Kabanata 22

4.4K 246 45
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Pagka sabing pagka sabi ni Declan na break time na ay agad akong humiga sa mat. Basang basa ako ng pawis kaya naman pasimple kong inamoy 'yung kili kili ko. Mabuti nalang at wala akong putok.

Napatigin ako sa gilid ko nang humiga sa Eion sa tabi ko. Pawis na pawis na din siya at nakadikit na 'yung buhok niya sa noo niya. Tinignan niya din ako. "May tubig ka?" hinihingal na tanong niya.

"Bili tayo," aya ko sakanya.

Umungol siya bilang protesta bago pilit itinayo ang sarili. "Sige, tara." Tapos inalok niya 'yung kamay niya sakin. Kinuha ko 'to at tumayo na rin.

"Kenzie!" tawag ko sa kaibigan kong nasa stage. Natigil ang pag uusap nila ni Ezra at parehas nila kaming tinignan. "Bababa kame, may papabili kayo?"

"Water," sagot ni Kenzie.

"Ayun lang?" tanong ko at tumango tango siya.

Tumango ako pabalik bago kunin ang kamay ni Eion. Agad niyang ipinagbuhol ang mga daliri naming dalawa at sabay na kaming naglakad palabas ng hall.

Napapikit ako nang tumama sa mukha ko 'yung malamig at presko na hangin. Parang gusto kong humiga nalang sa malamig na semento.

"Sana umulan," bigla ko nalamang sabi.

Namulsa si Eion at tumingin sa langit bago ako lingunin. "Kanta ka, baka sakaling bumagyo."

Sinimangutan ko siya at inambahan. "Bastos ka ah," sabi ko kahit na natatawa naman na ako. "Tara na nga!"

"Ikaw 'tong patigil tigil e," ani Eion at sinabayan na ako sa paglalakad. No choice din siya kundi sumunod sakin dahil ang higpit pa rin ng hawak niya sa kamay ko.

"Ang presko kasi ng hangin e," sagot ko sakanya. "Doon sa loob, kulob. Sana nga sa labas na tayo mag-practice soon."

"Wag muna," aniya kaya naman napatingala ako sakanya. "Hindi pa ako sanay sa pag sambot sa'yo, baka mamaya mabitawan kita. Walang mat sa quadrangle."

"Bakit ba kasi nag prisinta ka pa, okay na 'yung nauna e."

Ngumuso si Eion at medyo lumaki ang butas ng ilong. "Sige, siya nalang ulit." Tapos ma-dramang binitawan ang kamay ko.

"Eion!"

Dalawang kamay na niya ang naka bulsa at mas nilakihan ang mga hakbang niya para mahirapan akong habulin siya.

"Eion!"

Nagtuloy tuloy lamang siya sa paglalakad at ako naman ay tumigil na at nameywang. Huminga akong malalim at siniguradong malakas ang boses ko.

"EION ALEXIS MONTERO'NG BADING! Bingi ka ba?!"

Napatigil siya noong nasa tapat na siya ng hagdang papunta sa baba. Naningkit ang mga mata niya at agad kobg inihanda ang sarili ko nang makita kong naglalakad na siya ng mabilis papalapit sakin.

Halos kasabay na ng pagtibok ng puso ko ang bawat hakbang niya at pinigilan kong hindi lumunok para hindi niya makita ang kaba ko.

"Anong tinawag mo sakin?" mahinang tanong niya at nanlilisik ang kanyang mga mata.

Humalukipkip ako. "Bading," sagot ko.

"Bading pa rin ba kahit inamin ko na sa'yo na gusto kita?"

Saglit akong tumiklop bago ako may napagtanto. Hinampas ko siya sa braso. "Bading ka pa ren! 'Di ba nga sabi mo gusto mo pa rin lalaki?!"

Inilapit niya ang mukha niya saakin at medyo napaatras ako dahil sa pagkabigla. Tapos inirapan niya ako at tinalikuran. "Bi ako." Rinig kong sabi niya. "Hindi ako bading."

Binilisan ko ang lakad ko at tinignan siya bago mag slow cap, "Wow naman friend, nag level up?" At bilang sagot ay sinakop ng isang kamay niya 'yung mukha ko at itinulak palayo. Napatawa lang ako at humawak na ulit sakanya dahil pababa na kami ng hagdan.

"So ibig bang sabihin nito interesado ka na rin sa ibang mga babae?" tanong ko maya maya.

"Hindi." Mabilis at seryoso niyang sagot.

Itinikom ko ang bibig ko at tumango tango habang sa isipan ko ay may iwinawagayway na akong bandera habang kumakanta ng "Akooooo ang nagwagiiiii!"

"Alam kong kinikilig ka," sabi niya sakin kaya naman napawi bigla ang kilig ko.

"Tch," inirapan ko siya. "Kapal."

Tumigil nanaman siya sa paglalakad at tinignan ako. Tapos na estatwa ako nang hawakan niya ang baba ko. Oh my gosh, anong gagawin mo Eion? Papalapit na ng papalapit ang mukha niya at tuluyan nang nagblanko ang utak ko at tanging puso ko nalamang ang naririnig ko.

Hinalikan niya ako sa gilid ng labi.

Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo ko sa mukha ko pati na din ang urge na sumigaw at magtitili dahil sa kilig. Literal na nagsitaasan ang mga balahibo ko.

Tapos medyo inilayo na ni Eion ang mukha niya para matignan ako. Napatingin ako kaagad sa pink niyang mga labi na pa-konti konting umaangat.

"Sabi na kinikilig ka e."

Teka, ano daw??

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon