Kabanata 24

3.7K 177 37
                                    

"Asan na 'yung notebook mo patingin nga ako," ani Kenzie bago sumubo ng fries.

Nasa cafeteria kami ng campus. Katabi ko si Eion ー na kanina pa tulog ー at katabi naman ni Kenzie si Ezra na busy maglaro ng kung ano sa psp niya.

Inabot ko kay Kenzie 'yung notebook ko at nag give up na sa pag advance reading. Isinara ko na 'yung libro ko at nangalumbaba nalamang.

"Hanggang anong oras ka today Ezi?" tanong ko. "Hanggang 8 kami. Diba Kenzie?"

Tumango tango si Kenzie habang ngumunguya.

"Hanggang 4 lang ako," ani Ezra. "Walang prof eh. Pero pwede ko naman kayong hintayin."

"Wag na sus," ani Kenzie. "Andyan naman sila Declan."

"Ayoko mag-isa umuwi," Kunot noong sabi ni Ezra. Nakatitig parin siyang mabuti sa nilalaro niya. "Maaga din tapos nyan ni Eion eh." May pinindot siya sa psp niya bago mabilis na hampasin 'yung cap ng natutulog na Eion kaya naman napabalikwas 'to. "Diba 'tol? Hintayin natin sila umuwi."

"Huh? Oo.....?" Nagtataka at inaantok akong tinignan ni Eion. Nakababa 'yung harapan ng cap niya dahil sa paghampas ni Ezra kaya naman 'yung matangos na ilong niya lamang nakikita ko. Inabot ko ito at itinaas ng kaonti para makita ang mga mapupungay niyang mata. "Anong pinag uusapan?" tanong niya.

"Sasabay daw kayo umuwi samin," sabi ko. "Hanggang 8 kami."

"Ah, oo naman. Anong oras na? Gutom ako."

Pinindot ko 'yung phone ko para makita 'yung oras. "May thirty minutes pa, maaga pa." Sagot ko.

Lumapit si Eion at inamoy 'yung braso ko, malapit sa may kili-kili bago ako mahinang kagatin. Tapos tumayo na siya, "Bili lang akong pag kain saglit." At naglakad na paalis.

"Ezi palaro nga ako," sabi ko habang nakaturo sa psp niya.

"No."

Sumimangot ako at inirapan siya "Damot," ngumuso ako habang tinitignan siya sa gilid ng mga mata ko. Nag make face lang si Ezra kaya naman naisipan kong umidlip na muna. Pero bago ko pa magawa 'yun ay nahuli na ng mata ko si Declan na naglalakad papunta sa likuran nina Kenzie.

"I passed!" Pag announce niya bago ikulong ang mukha ni Kenzie sa dalawang kamay niya at halikan 'to ng paulit ulit.

"Sa quiz? Yun oh!" Itinaas ko ang kamay ko at nakipag apir sakanya. Ang lawak ng ngiti ni Declan at maski si Ezra ay napatigil maglaro.

May importanteng quiz kasi kami kahapon na na-miss ni Declan kaya naman binigyan siya ng chance na kunin ito ngayon.

"Hell yes," iniusog niya si Kenzie at umupo sa tabi nito. Sa sobrang laki ni Declan ay halos magsiksikan na silang tatlo doon. Inilagay niya 'yung braso niya sa likod ni Kenzie, "Three mistakes lang."

"Daya, mas mataas nakuha mo kesa sakin."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Declan dahil sa sinabi ko. "Ah," umupo siya ng maayos at kinuha ang bag niya na nasa likuran niya. "Nga pala, pinapaabot ni Jet." Naglabas siya ng dalawang tupperware at ini-slide 'to papunta sakin.

"Asan siya?" tanong ko habang inilalapit 'yung mga tupperware sakin. Iniwanan ko sa classroom ang bag ko kaya naman kailangan ko pa 'tong bitbitin.

"May klase diba," sagot niya at napa 'Aaaah' nalang ako nang maalala ko.

"Sa'n galing 'yan?" tanong ni Eion na kadarating lamang. Naka tingin siya sa mga tupperware habang ibinababa sa lamesa ang mga pinamili niya.

"Samin 'to," sabi ko. "Binalik lang ni Jet."

"Bakit may tupperware si Jet na inyo?"

"Daming tanong boy," sabi sakanya ni Kenzie. "Na-activate nanaman ba ang jealous radar mo dahil nabanggit si Jet?" Nakangising aniya.

"I'm not jealous," sagot ni Eion. "Nagtatanong lang."

Tinaasan siya ng kilay ni Kenzie, "Really? Well, may tupperware si Jet kasi nandun siya sa bahay nila Niks last night." Nilakihan ko ng mata si Kenzie pero hindi niya ako pinansin. Nakita kong nag-tense ang buong katawan ni Eion at napatigil siya sa pag nguya ng pagkain niya. "Binigyan siya ng food ni Tita, baon lang. Cute pa nga eh, kiniss niya si Nicolette bago umalis."

"Ooooooh shit," kumento ni Ezra na tumigil na talaga sa paglalaro mapakinggan lamang ang usapan.

"Kiniss ka din niya," sabi ko bigla.

"Ano?" kaagad na tanong ni Declan. Ang ngiti niya kanina ay napawi na.

"Oooooooh shit again."

"Sa tuktok ng ulo," paliwanag ni Kenzie sa boyfriend niya. "Para nga akong naging apo niya eh."

"Bakit si Nicky? Saan?" tanong ni Ezra at pinigilan ko ang sarili ko na kurutin siya.

"Wala," agad kong sabi.

"Sa pisngi!" Naka ngiting sabi ni Kenzie, ang tono niya pa ay parang inaasar si Eion.

Tahimik pa rin ito at malaking parte ko ang natutuwa dahil halatang halata sa mukha ng bakla na nagseselos siya! Kitang kita mo sa mga mata niya na nag iisip na siya ng plano para patayin si Jet.

Tapos biglang mayroong dumaan.

"Hi Eion," ani ng walang iba kundi si Charles. Kumaway ito bago kami malagpasan at nang ibalik ko ang tingin ko kay Eion ay nakangiti na siya. Mas malawak pa sa ngiti ni Declan kanina.

Tinignan niya kami. "Ano ulit pinag uusapan natin?"

Kingina, wow naman diba.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon