Kabanata 20

4.2K 235 44
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"One two three and throw!"

Naramdaman ko ang pag angat ng buong katawan ko. Kakaiba ang pakiramdam kapag nasa itaas ka at walang kasiguraduhan kung may sasambot ba sa'yo. Kaya ipinikit ko nalamang ang mga mata ko habang nahuhulog ako.

"Ayan! Good!"

Dumilat ako at naramdaman kong dahan dahan na nila ako ibinababa. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa tuwa.

Buhay pa ako! Hindi ako pumlakda. Maganda pa rin ako! Yay!

"Kailangan ba talagang siya ang hinahagis?" napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Eion. Wala na siya sa stage kundi nasa tabi na ni Declan at naka pameywang. "Wala namang mat kapag 'yung performance niyo na. Pano kung mahulog siya? Concrete ang babagsakan niya Dec."

"Siya lang 'yung maliit e," sagot sakanya ni Dec. "Tsaka trained naman 'yang mga sasambot sakanya 'tol. 'Wag ka na mag alala."

"Kung si Kenzie kaya ang ihagis?" inis na tanong ni Eion at kitang kita ko ang pagtatagis ng bagang niya.

Huuuu galit si Baby ko. Ang cute niya! Taragis.

"Okay lang. Gusto mo ako pa maghagis sakanyaーaray." Nilingon ni Declan ang girlfriend niya dahil sinapok siya nito.

Naisipan kong lumapit na sakanila. Tumayo ako sa likuran ni Eion at pumameywang din. "Nagpapaka tatay ka nanaman 'Yon. Hindi mo bagay masyado kang malambot." Sabi ko sakanya kaya naman napalingon siya sakin.

Mas lalong lumalim ang simangot niya, "Pano kapag nasaktan ka? Kanino ka nanaman iiyak iyak? Hindi kita bubuhatin kapag napilayan ka."

Nagkibit balikat ako, "Papabuhat ako kay Jet."

"Aba'tー"

"Oh, tama na." Hinila ako palayo ni Declan. "Bumalik ka na sa pwesto mo."

"Hahagis pa ako?" tanong ko sakanya.

"Oo pero 'di na natin tataasan masyado."

Pumwesto na ulit ako sa harapan nung tatlong tagabuhat. 'Yung nasa gitna ay hinawakan na ako sa baywang.

"Teka nga, teka." Pag pigil nanaman samin ni Eion. Nilingon namin siya ni Declan at parehas naming nakita ang inis sa mga mata niya. Kinakamot niya 'yung ulo niya at imbis na magtaka kung ano nanaman ang gusto niya ay napatitig lamang ako doon sa balat niya sa tyan noong medyo umangat ang uniform niya. "Sasali ako," aniya. "Taga sambot."

"HA?!" sabay sabay naming sigaw. Maski si Ezra na naka idlip doon sa stage ay naka upo na at mayroon gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Sasali na ako," pag ulit niya at ilang hakbang lamang ay nandoon na siya sa pwesto namin. "Tabi," sabi niya doon sa lalaki sa gitna. "Alisin mo 'yan," tininggal niya ang mga kamay nito. "Ako na."

"Baka mas lalo lang akong mahulog!" sabi ko sakanya. Nahihibang na 'tong baklang 'to!

"Sasambutin kita, pucha."

"Pano 'yung ibang steps?"

"Basta!"

Hala baliw na nga.

Tinignan ko si Declan na nagkakamot nalang ng ulo. Hinintay ko ang sasabihin niya. Nang magtama ang tingin namin, huminga siyang malalim. "Sige na, sige. Turuan mo nalang siya Nicolette."

"Bakla, sure ka?" tanong ni Kenzie kay Eion na tumango lamang at hinigit na ako sa baywang.

HARUJUSKO EION 'YUNG MGA BALAHIBO KO NAGSISITAASAN SA KILIG. 'WAG MO AKONG HAWAKAN!

"Okay guys, balik tayo doon sa part na ihahagis si Nicole," malakas na sabi ni Declan kaya nagsibalikan na ang lahat sakanilang pwesto. Tumayo si Declan sa tabi ni Eion at itinuro sakanya kung paano ako ihahagis.

Lord, kayo na po bahala sa buhay ko.

"Kaya mo pa?"

Idinilat ko ang mga mata ko para makita si Ezra na naka dungaw sa mukha ko. Hindi ko magawang sumagot kaya naman umiling nalamang ako.

"Uuwi na daw tayo," aniya.

Itinaas ko ang isang kamay ko. "Itayo mo ako."

Hindi niya inabot ang kamay ko. Nanatili lamang 'tong nasa tuhod niya. "Andyan si Jet."

Nangunot ang noo ko, "Andito?"

"Alam niyang andito pa tayo kaya bumalik siya pagtapos ng klase."

"An'sabe ni Eion?"

Nagkibit balikat siya, "Masyado na 'yun pagod kakabuhat sa'yo kanina para magtaray."

"Patawag si Jet," sabi ko kay Ezra.

"Okay!"

Pumikit ako at pinakinggan ang mga yapak ni Ezra papalayo sa akin. Hindi nagtagal ay napalitan ito ng mabibigat na hakbang papalapit.

"Anong kailangan ng baby ko?" rinig kong tanong ni Jet at nagbukas ako ng isang mata para tignan siya. "Pagod?" Ngumuso ako at tumango tango. "Lika na," gumalaw siya at binuhat ako ng parang bata.

Nakapulupot ang mga binti ko sa baywang niya at ang mga braso ko sa leeg niya habang ang ulo ko ay nasa balikat niya. Sa sobrang laking tao ni Jet ay parang bata lamang siguro talaga ang itsura ko ngayon.

"Eion oh buhat ko crush mo, magselos ka." Mapang-asar na sabi ni Jet habang naglalakad at pinigilan kong hindi tumawa at nagtulog-tulugan.

"Ge lang," sagot naman ni Eion at narinig ko ang pagtawa nina Declan.

"Pagod na, wala ng energy magselos Jet." ani Kenzie.

"Iuuwi ko 'to," sabi ni Jet habang inaayos ang pagbuhat niya sakin.

"Sige kunin mo na mga damit niya sa kwarto ko," sagot ni Eion.

"May lingerie?"

Kinurot ko si Jet sa balikat kasabay ng mabilis na pagsabi ni Eion ng "Akin na nga 'yan," tapos hinila niya ako paalis kay Jet hanggang sa nakatayo na ako ngunit nakapikit parin. "Maglakad ka tamad," sabi niya sa akin.

"Eto naman joke lang," sabi ni Jet habang pinapatayo ako sa likod niya. "Pinag ti-tripan lang naman kita." Tinapik niya 'yung likod niya at pina bakay ako. "Kawawa naman 'tong prinsesa mo oh baliw na nga naalog pa utak kanina. 'Di ba noh Nicky?"

"Oo nga," sagot ko habang bumabakay kay Jet.

"Masaya ako kanina nung wala ka pa," sabi ni Eion kay Jet na tumawa lamang.

"Wag ka mag-alala Eion, mahal din kita."

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon