Kabanata 9

4.2K 253 40
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"Yung sulok ba nawalis mo na?" tanong ko kay Jet.

"Okay na 'yan," sagot ni Jet. "Di naman makikita e. Pwede harangan ng cabinet."

Sinimangutan ko siya, "Linisin mo na. Lahat nga daw diba?"

"Edi linisin mo."

Bumuntong hininga ako sabay lumapit sa may cabinet para itulak 'to. Sa maikling lakad ko papunta doon, sumulyap ako kay Eion na tahimik na naka upo sa ibabaw ng teacher's desk. Kanina pa siya tulala at tinitignan lang 'yung naka bandage niyang kamao.

Gamit ang lahat ng lakas ko, sinubukan kong itulak 'yung cabinet na puno ng malalaking libro. Hindi ko 'to maitulak sa sobrang bigat pero sinubukan ko parin.

"Akin na nga," ani Jet bago itulak 'yung noo ko. Gamit ang isang kamay, inusog niya 'yung cabinet. Imbis na mag thank you, nainis pa ako at inihampas sa likod niya 'yung walis na hawak ko.

"Kaya mo naman pala!" nang gigigil na sabi ko sakanya.

Tumawa siya na para bang wala lang sakanya ang hampas ko sabay tumalikod na at naglakad papalapit kay Eion.

"Tol," rinig kong sabi niya. Inipit ko sa likod ng tenga ko 'yung buhok ko at nakinig sa usapan nila habang nag wawalis. "Wala kang super powers, hindi gagaling 'yang kamay mo sa pag titig mo."

"Alam na nila Jet.." mahinang sagot ni Eion at agad na nag init ang gilid ng mga mata ko.

"Gusto mong hug?" ang sagot lamang ni Jet.

Pinunasan ko 'yung luhang tumulo mula sa mata ko at napa singhot pa. Pati sipon ko nakiki tulo.

Community service ang naging parusa namin ni Jet sa pag sapak sa dalawang studyante, 'yung lintek na Levi (walang etits) at 'yung nognog na bungal. Baluktot ang sistema, napag sabihan lang sila habang kami may parusa. Si Eion naman sumama lang dahil tingin niya ay kasalanan niya kung bakit kami nandito.

Tinignan ko 'yung kamao ko. Ayos na kasi sana e, nadali ko siya sa ilong noong unang suntok, pero nung pangalawa, yumuko at nasapak ko tuloy 'yung pader. Ayan, sugat. Tingin ko nga may nabali pa akong buto. Ayoko nalang iinda 'yung sakit, baka mas lalo lang ma-guilty si Eion.

"Jet, dakutin mo na 'to."

"Hokey," rinig kong sagot niya bago siya lumitaw sa tabi ko dala dala 'yung itim na pandakot.

Mga alas syete ay umuwi na din kami. May klase pa si Kenzie kaya naman nagpa iwan na si Declan para hintayin siya. Kaya naman ako, si Eion, Jet at Ezra lang ang naglalakad papalabas ng gate.

Natigilan ako nang makita ko ang kuya ko na nakatambay sa gilid ng school sa may parking ng mga motor. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Kuya James.

Tumango siya sabay itinapon 'yung sigarilyong hinihithit niya, "Na-trouble ka daw?" tanong niya habang tinatapakan 'yung sigarilyo sa sahig.

Bago pa ako maka sagot, may tatlong lalaki na na lumapit saamin. "Asan na utol ko?" galit na tanong ni Kuya Enrico, ang bestfriend ng kapatid ko at Kuya ni Eion.

"K-Kuya.." natameme si Eion.

Gamit ang isang kamay, hinawakan niya ang mukha ni Eion. "May galos ka ba?" tanong niya bago kunin ang kamay ng naka babatang kapatid. "Ano 'to?"

"Sinuntok niya 'yung pader kuya," mahinang sagot ko.

Lumipat ang tingin sakin ni Kuya Enrico sabay nahulog 'to sa kamay ko. Sumenyas siya kay Kuya James at agad kong ibinulsa 'yung kamay ko sabay napakagat sa loob ng pisngi ko.

"Ikaw? Ano nangyari sa kamay mo?" tanong sakin ni Kuya James.

"Nasuntok niya 'yung pader kuya," sagot naman ni Jet. Anak ng tupa!

"Ay tanga," kumento ng isang kaibigan ni Kuya Enrico. Si Kuya Hero.

"Anong pangalan nung lalaki? Ha?" Napa seryoso kaagad kaming lahat sa tanong ni Kuya Enrico. Halata sa mata niya na galit talaga siya.

"Kuya 'wag naー"

"Anong 'wag na?" tumaas na ang boses niya. "Hindi pwedeng ginaganyan ganyan ka lang ah! Tarantadong 'yon."

"Easy pare," hinawakan ni Kuya Asher sa balikat si Kuya Enrico. Ngayon ko lang na realize na siya pala 'yung isa pang kasama nila.

"Tignan mo nga ginawa sa kapatid ko oh," itinuro niya si Eion. "Hindi pwede 'yan 'tol. Hindi pwede."

"Levi Mendigorin," bigla nalamang sinabi ni Ezra na tahimik lang na nakikinig kanina. "Alam ko kung saan tumatambay 'yun."

Isa isa kong tinignan ang mga reaction nilang apat na magkakaibigan. Ang kapatid ko na si Kuya James ay tinignan lamang ang mga kaibigan niya, si Kuya Hero ay nag sindi ng sigarilyo at si Kuya Asher ay ngumisi lamang ng parang excited siya at may masamang binabalak habang si Kuya Enrico ay tinitigan lamang ang kapatid niya bago tumalikod, "Tara."

"Oh shit yes!" excited na bulong ni Jet sa tenga ko. Maski si Ezra ay naka ngiti.

Nagka tinginan kami ni Eion at napa simangot. Alam namin kung paano makipag away ang mga kuya namin. And it never ends well. Ilang beses na silang natulog sa kulungan, silang magkakaibigan.

Naramdaman kong hinawakan ni Eion ang kamay ko at agad na tumalbog ang puso ko. Pinisil ko ang kamay niya saglit at hinigpitan ang kapit.

Patay nanaman.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon