Kabanata 21

4.7K 239 15
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"Sabay daw kami ni kuya umuwe," sabi ko sa mga kaibigan ko bago sumubo ng fries. Ibinaba ko na 'yung cellphone ko pagkatapos replyan si Kuya James ng Ok.

"Ngayon ko lang na-realize," ani Kenzie habang nakatingin kay Eion. "Crush mo magkapatid."

Oo nga noh, sabi ko sa isip ko bago tignan si Eion. Crush niya nga din pala ang kuya ko!

Mahina kong hinampas ang braso ni Eion, "Sugapa ka."

"Crush ko din 'yun," sabi ni Jet. Sinimangutan ko siya. "Gwapo ng kuya mo."

"Isa pa 'to," natatawang ani Kenzie.

"De loko lang," natatawang aniya bago iabot kay Eion ang kamay niya para i-apir siya ngunit inirapan lamang siya nito. Binawi ni Jet ang kamay niya at kunwaring nagbugaw nalamang ng langaw.

Natawa ako at agad din namang tinakpan 'yung bibig ko kasi humahaba nanaman nguso ni Eion sa inis.

"Ba't kasi hindi mo pa gawing sa'yo para 'di ka na palaging pinagti-trip-an nitong dalawa?" tanong ni Ezra kay Eion bago sumipsip sa inumin niya.

Hindi sumagot si Eion. Yumuko lang siya at nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya tapos hinimas niya 'yung sariling braso niya. Tinignan ko si Ezra na naghihintay ng sagot mula kay Eion at inilingan siya.

"Anyway, na-kwento ko na ba 'yung nakita kong bata kanina na tumatae sa ilog?"

"Kumakain Jet!"

Hinayaan ko na silang mag kwentuhan at tahimik na kinain nalamang 'yung fries ko. Napapansin ko ang pasimpleng mga pag sulyap ni Eion saakin at nang tignan ko siya at agad din naman siyang nag iwas kaya naman ibinalik ko na 'yung tingin ko sa baba.

Dinadaan ko lang ang lahat sa biro pero nahihirapan din ako sa sitwasyon namin dahil hindi mapanindigan ni Eion ang sinabi niyang nararamdaman niya para sakin. Pero hindi ko din naman siya mapilit dahil nga.. bakla siya. Alam kong pati siya nahihirapan at naguguluhan. Wala akong ibang magagawa kundi maghintay lang.

Tinignan ko ang katapat naming si Kenzie at Declan. Tumatawa silang dalawa sa sinabi ni Jet kay Ezra. Nakasandal ang ulo ni Kenzie kay Declan at alam kong magkahawak kamay sila sa ilalim ng lamesa. Kahit ayoko man at alam kong mali, hindi ko mapigilang hindi mainggit sa relasyon nilang dalawa.

Kung lalaki nalang kasi ang minahal mo Nicolette.

Hindi, hindi ako mag iisip ng ganito. Walang kinalaman ang gender pagdating sa pagmamahal. Minahal ko si Eion dahil sa katauhan niya. Mayroon talagang bagay sakanya na hindi mo mapipigilang mahalin kahit na ang sungit sungit niya. Tuluyan na akong ikinulong ni Eion sa puso niya at wala na akong pag asang mahulog pa sa iba. Kung mapunta man ang lahat nito sa wala, imposibleng makapag mahal pa ako ng ibang tao bukod sakanya.

"Ay be, malapit na 20th birthday mo. Anong plano?" bigla nalamang tanong ni Kenzie saakin.

"Ha? Anong buwan na ba?" tanong ko.

"August na bukas," sagot ni Ezra.

Ngumuso ako, "Two months pa. Masyado kayong excited."

"Yuck, twenty na."

Inirapan ko si Jet, "Four months lang agwat natin noh."

"Ganitong edad pa-graduate na dapat 'di ba?" tanong ni Kenzie.

"Naabutan tayo ng K-12 e," sagot sakanya ni Declan bago nito sipsipin 'yung ketchup na hawak niya. "Swerte nung mga nauna."

"Sila kuya mo naabutan din 'di ba?" tanong sakin ng nakasalumbabang si Ezra.

"Oo," sagot ko bago mapatingin sa may entrance ng McDo. "Speaking of," sabi ko. "Andyan na si Kuya."

Tumigil si Kuya James sa may entrance at luminga linga. Itinaas ko 'yung kamay ko para makita niya kung nasaan kami. Nag tama ang tingin namin at naglakad na siya papalapit.

Tumigil siya sa lamesa namin at tinanguan kaming lahat, "Uy."

"Ano meron, panget?" tanong ko sakanya. "Ba't ka sasabay?"

Ngumisi siya, "Papa-libreng pamasahe."

"Walanghiya ka," sagot ko. "May utang ka pa ngang bente sakin e! Isusumbong kita kay Mama!"

"Sumbong mo," sagot niya bago humila ng bakanteng upuan.

"Kainis 'to," sagot ko sakanya habang binibilang sa isipan ko kung magkano pa ba ang natira kong pera. Tarantadong 'to, mamumulubi nanaman ako. "Bayaran mo ako pag uwi ah."

"Sa akinse pa sweldo ko," sagot niya at napakamot nalang ako sa ulo ko sa inis. "Bunso," pagtawag ni Kuya at nag angat ng tingin si Eion. "Si Kuya mo?"

"Nasa bahay lang," madaling sagot ni Eion at kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya.

"May trankaso paren?"

"Hmm," tumango si Eion at yumuko na ulit para hindi na magtanong si Kuya.

Tinignan ulit ako ni Kuya James, "Ano? 'Di pa ba kayo tapos kumain?"

"Tara na," aya saamin ni Declan kaya naman pinagsama sama na namin sa iisang tray 'yung mga pinagkainan namin.

Nakita kong kalahati pa 'yung hot fudge sundae na in-order ko. Sayang naman kung itatapon lang pero busog na ako. Hindi naman mahilig kumain ng tira etong si Eion at mas maarte pa sakin 'to.

"Kuya James oh," sabi ko at inalok 'yung ice cream.

Binigyan niya ako ng nandidiring ekspresyon habang hinihimas 'yung tyan niya. "Ayoko 'yan matamis."

"Jet."

Masaya niya 'tong kinuha saakin at agad na nilantakan. Tumayo na din si Eion at hinarap ako. "Pano kung gusto ko pala 'yon?" mahinang tanong niya.

Sinimangutan ko siya at itinulak 'yung noo niya gamit 'yung hintuturo ko. "Wag mo akong lokohin ha, hindi ka kumakain ng tira."

"Pano kung gusto ko na?"

"Ibibili nalang kita."

"Hindi na," mabilis niyang sabi bago ako talikuran para damputin 'yung bag niya. Wala sa mga kaibigan namin ang nakapansin ng usapan namin.

"Tara," aya ulit ni Declan.

"Para kang timang E," mahinang sabi ko habang paalis kami. "Lahat nalang pinag seselosan mo."

"Selosa ka din naman ah?"

Tinikom ko ang bibig ko dahil may point nga naman siya. Umismid nalamang ako at inirapan siya, "Ok."

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon