Kabanata 4

6.1K 312 55
                                    

Copyright © 2015 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

"And that's how it works it's how you get the girl!" Umikot ikot ako habang sumasayaw. Si Eion naka upo sa may kama ko at tahimik na nanonood, may ngiti sa kanyang labi.

Nagpatuloy ako sa pag l-lip sync at pagpapatawa kay Eion hanggang sa may kumatok sa pinto ko kaya naman agad kong hininaan 'yung patugtog.

"Oh?" tanong ko doon sa nasa labas ng pinto ko.

Lumapit ako dito at binuksan, agad kong nakita 'yong mukha ng kuya ko. "Tara, magbihis ka. Mag grocery daw tayo sabi ni Mama."

Pumasok si kuya at umupo lamang ako doon sa dulo ng kama ko. Natahimik na si Eion ngayon at nakatutok na lamang sa cellphone niya habang namumula ang pisngi.

Ngumuso ako, "Ayoko sumama. Dito nalang kami ni Eion."

"Sa Royal tayo mag g-grocery shunga," aniya at para bang pumalakpak 'yong tenga ko. "Bilisan mo, nasa labas na si Mama."

Mabilis akong nanguha ng damit sa cabinet ko habang si kuya naman ay kinuha na 'yung pwesto ko sa kama. Nakaupo malapit kay Eion. "Sama ka?" tanong niya dito.

"Uh.." napakamot sa Eion sa ulo niya at sumulyap sakin. Nagkibit balikat lamang ako. "Hindi na siguro kuya, nakapambahay lang din ako."

"Sus," tumayo si Kuya at tinapik 'yung tuhod ng namumulang si Eion. "Pahiramin kitang t-shirt. Ayos na 'yang pantalon mo. Tekaー"

"Uh w-wag na!"

Pero hindi na siya narinig ni Kuya dahil nakalabas na 'to ng kwarto. Natawa ako at lumabas na din para makapunta sa banyo at makapagbihis. Doon na sana ako sa kwarto magbibihis pero alam kong papasok ulit si kuya James para abutan ng damit si Eion.

Nakakaselos, dahil alam kong crush ni Eion si kuya pero nakakatuwa parin kapag nakikita ko siyang namumula at na uutal tuwing lumalapit si kuya.

Pagkapasok ko ulit ng kwarto ay nakabihis na si Eion, suot niya 'yung itim na polo shirt ni Kuya.

"Asan siya?" tanong ko bago lumapit sa kama para ilapag doon 'yung suot ko kanina. 'Di pa naman 'to madumi at pwedeng isuot ulit kapag ka uwi namin mamaya.

"Lumabas na," sagot ni Eion bago tumayo. Saktong sakto 'yung damit ni kuya sakanya at kitang kita 'yong muscle niya sa braso nung dinampot niya 'yung purse ko at isinukbit 'to sa balikat niya. "Tara?"

Tumango na lamang ako at iniabot niya 'yung kamay ko kaya naman holding hands kami nung papalabas ng bahay.

"Nicole, i-lock mo 'yung pinto." Sabi kaagad ni Mama pagkalabas ko.

Lumapit ako kay Eion para buksan 'yung purse ko. Kinuha ko 'yung susi ko sa bahay bago buksan 'yung screen door. Inilock ko 'yung main door at hinayaan nalang na bukas 'yung screen door. Hindi naman 'to na il-lock mula sa labas so what's the point?

"Oo 'tol, kasama namin si bunsoーOo.. okay lang gago haha! Pinahiram kong damit. 'Diーsus eto parang 'di tropa e. Ako na bahala sa kapatid mo," tumawa si Kuya James sa sinabi nung kausap niya sa phone.

"Kuya Enrico?" tanong ko kay Eion bago humawak sa braso niya. Tumango lamang siya at naglakad na kami palabas ng gate.

"ーOkay sige. Kausaー 'wag na? Asan ka ba? .....Ah okay okay sige 'tol. Sila Kiko ba sasama?"

"Wala ata si Kuya jan sa bahay," ani Eion. "Baka nasa kabila."

'Yun sinasabi niyang kabila ay doon sa bahay nila sa Barretto. Tita nila ang may ari nito pero nasa US kasi 'yon kaya naman pamilya nila ang nagbabantay dito. Sa tabing dagat 'yung bahay na 'yun kaya naman sobrang chill spot talaga. Palagi kami doon nung summer, nag b-bonfire at sleep over. Minsan kasama din ang mga kaibigan ng Kuya ni Eion.

"Eion, anak tumawag ka nga ng Tricycle," utos ni mama. "Mainit, ayoko maglakad."

"Sige po 'ta." Agad namang sagot ni Eion bago lumapit sa bandang gitna ng kalsada. May ilang nakaparadang tricycle sa kabilang kanto kaya naman sumipol lamang siya at pumalakpak ng tatlong beses, "TRIKE!" sigaw niya.

Hay, ang aking Eion nagpapakalalaki.

"Oy tricycle daw!" sigaw ng isang manong sa kanto at hindi nagtagal, may umandar na makina at nakita ko kaagad 'yung paparating na tricycle.

"Block one lang," sabi ni Mama doon sa driver bago sumakay sa loob.

Umangkas si Kuya sa likod at sumunod ng pumasok si Eion. Ako ang pinakahuli at doon ako umupo sa maliit na upuan.

Nakasimangot kaagad si Eion pagkaupo ko. Kumunot ang noo ko, "Bakit?" tanong ko.

"Ako nalang kaya jan? Di ka ba nahihirapan? Isang pisngi pwet mo lang ata nakaka upo jan."

Ngumuso ako, "Edi mas mahihirapan ka? Sa laki mong 'yan." Ipinatong ko 'yung isang kamay ko sa tuhod ni Mama habang 'yung isa naman ay doon sa lalagyanan ng barya. "Okay na ako dito, block one lang naman."

Hindi na sumagot si Eion pero nakasimangot parin siya nung umandar na.

Pagkadating namin ng block one, halatang mainit na talaga ulo ni Eion. Ilang beses akong nauntog pagka dumadaan sa lubak. Tumama pa 'yung tagiliran ko sa isang bakal na nakausli.

"Ayan kasi sinasabi ko e," inis na sabi niya habang itinataas ng konti 'yung t-shirt ko para matignan kung may sugat ba ako. "Natuklap ng konti 'yung balat." Sabi niya sakin at medyo naginit 'yung gilid ng mata ko dahil naging aware na ako na mahapdi 'to.

"Ano? Nasugat?" tanong ni Mama, medyo tumaas ang boses. Nag tsk siya nung makita niya 'to. "Bwisit na driver 'yon! Nakapakaskasero. Maski ako nauntog e."

"Malayo sa bituka 'yan," ani Kuya James. "Tara na anjan na 'yung jeep."

Tinignan ko ulit si Eion na mukhang malalim ang iniisip. Sabay nagsalita siya, "Sige, mauna na kayo."

"Ha? San ka pa pupunta?" tanong ni Mama.

"Wait lang po," aniya bago tumingin sakin. "Sumakay ka na, magpupuno pa naman 'yan kaya 'di pa aalis."

"San ka nga pupunta?" tanong ko.

"Sumakay ka na," sabay tumalikod na siya at naglakad papunta sa kung saan.

"Saan pupunta 'yun?" tanong ni Kuya nang makasakay na kami. Parehas kaming umupo sa dulo.

Nagkibit balikat ako, "Ewan."

Hindi pa masyadong puno ang jeep ay dumating na si Eion. Nakahinga na din ako ng maluwag, medyo kinabahan kasi ako na baka hindi siya makahabol.

Umusog kami ni Mama para makaupo siya doon sa dulo, katapat niya si Kuya.

"Oh," aniya at may inabot na maliit na papel sakin. Nung tinignan ko 'to, nun ko lang narealize na band-aid pala 'yon. "Lagay mo sa sugat mo."

"San mo 'to nakuha?" gulat na tanong ko. Imposibleng umuwi pa ang loko dahil sa block 8 pa ang bahay niya.

"Kila kuya Asher," aniya ng may ngiti sa labi. "Naabutan ko siyang nagdidilig."

"Tumakbo ka pa papunta dun?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ito talaga! Pwede naman kami bumili mamaya sa syudad? Buanga.

"Oo?" sagot niya ng nakakunot ang noo.

"Eh pano kung walang tao dun?"

"Bakit ba parang galit ka pa?" tanong niya pabalik.

"Hindi ka kasi nag iisip," inis na sabi ko. "Pinagod mo pa sarili mo para lang sa isang pirasong band-aid."

Natahimik siya saglit bago niya binawi 'yung band-aid at binuksan 'to. Itinaas niya ng konti 'yung t-shirt ko hanggang sa nakita na niya 'yung sugat. Kinagat niya 'yung ibabang labi niya at nagsalita ng hindi ako tinitignan. "Para sa'yo naman e," ikinabit niya 'yung band-aid at kumalampag 'yung puso ko sa dibdib ko. "Kaya ayos lang."

Pakyu, Eion. Pakyu with feelings.

Bes, I Heart You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon