Chapter 2

4.3K 106 1
                                    

Hestia's Pov.



Sa gitna nang almusal namin ay may biglang kumatok. Napatingin kaming tatlo sa pintuan.



"Ako na" Sabi ni Apa at tumayo na para lumapit sa pintuan.



Pagbukas ng pinto ay nakita namin si Almar sa labas.



"Magandang umaga, Nais ko lang makausap si Ata Lou" Sabi niya.




Tumayo si Ama galing sa pagkain at pumunta sa labas.



Ano kaya ang pinag uusapan nila.




"Kumain kana" Ani ni Apa.



Tumango ako.



Naka balik na si Ama, hindi maitsura ang mukha niya.





"Ano daw ang sabi?" Tanong ni Apa.





"Wala...tungkol lang sa..... kay lady, kay lady Arah" Nabubulol na sabi ni Ama.






Tumayo si Apa at lumapit kay Ama.






May binulong siya dito. Nagpaalam muna ako na lumabas para mabigyan sila ng pribadong paguusap.






Paglabas ko ay marami akong nakikitang mga batang nilalaro ang kapangyarihan nila. bumuo sila ng maliit na ulap na may rumaragasang ulan. Tumatalon-talon sila at nagsisiyahan, Sabay sabayng tumawa.







Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang minamasdan sila.






"Oy si Ate Hestia!"Tawag ng Isang batang babae sa akin. Si Hailey.





Siya lang ang batang pumapansin at lumalapit sa akin. Naging malapit kami simula pa noong hindi pa siya nagkakaroon ng kapangyarihan.







Kumaway ako sa kanya at ngumiti.






lalapit na sana siya sa akin nang pinigilan siya ni Bob. Ang kanyang nakakatandang kapatid.






"Hail, Alam mo namang hindi tayo pinayagan ni Ama na lumapit sa kanya. Tandaan mo wala siyang kapangyarihan, at baka ay mahigop niya ang kapangyarihan mo, sige ka" Ani niya sa kanyang kapatid.








Nabibigo niya akong tinignan. Ngumiti ako sa kanya,








"Makinig ka sa kuya mo, Hailey" Sabi ko habang naka ngiti.







"Bakit? tanggap mona ba talaga na wala kang kapangyarihan? ano suko kana?? Hahahahaha" Tawa ng mga bata sa akin.






Sa pag tawa nila ay bumuo sila ng malaking maitim na ulap at inilagay nila ito sa ibabaw ko. Biglang bumagsak ang napaka lakas na ulan sa ibabaw ko at narinig ko ang pagtawa nila.






Ughhh. Itong mga batang ito! dapat turoan sila ng leksyon ng mga nanay nila!





Kahit saan ako pumupunta ay sinusundan ako ng ulap.







"Itigil niyo yan!" Sigaw ni Hailey at agad ding tumigil ang ulan. Nagulat ako sa lakas ng kapangyarihan niya. Totoo nga ang sinasabi nila, Blue clan is the calmest clan but also as dangerous as big waves.





Sa inis ko ay pumunta ako sa bakuran ng bahay namin para kunin yong sinampay kong tuwalya kanina. Nagulat ako nang may lumitaw na naman sa harapan ko, pero ngayon hindi ito tubig. Kundi apoy. May lumilitaw na apoy sa harap ko.







"Ito naba ang kapangyarihan ko?" Bulong ko sa sarili ko at tintigan ng maayos ang apoy.







Inilig ko ang ulo ko. Nahihibang kana ba Hestia! Hindi pwedeng maging apoy ang kapangyarihan mo! Isa kang aqua! hindi ka Hellion!






Hindi ko nalang ito pinansin at pumasok na sa luob ng bahay para mag bihis.







*****




Narrator's Pov.




Kahit saan magpunta si Hestia ay may palaging lumilitaw sa kanyang harapan. Hindi lang ito isang tubig, apoy, pati narin kidlat at kadiliman. Ang kutob niya ay yon daw ang kapangyarihan niya. Ngunit totoo ba yon? na siya naman ay isang Aqua?





(Almar and Ata Lou's Conversation)


"Gaano ba ka importnate ang isasabi mo sa akin na pumunta ka dito ng madaling umaga" Sabi ni Lou.





"Makinig ka Ata. Huwag na huwag mo ng palapitin si Hestia si Templo"Pagsisimula ni Almar.






"At bakit naman Almar? ano ba ang ginagawa ng bata? wala itong ginagawang masama, Sumasama lamang siya sa akin para mag dasal"






"Maaring mawasak ni Hestia ang Templo at mahigop ang kapangyarihan ni Lord Nalu!" Agresibong sabi ni Almar kay Lou.





"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Lou.







"Pag ang taong papasok sa templo na walang kapangyarihan, ay maari niya itong wasakin ang templo sa pamamagitan ng pag higop ng kapangyarihan ng Gemstone." Pag papaliwanag ni Almar kay Lou.






"Maari kanang umalis Almar, Kakausapin ko muna si Rey" Sabi ni Lou at pumasok na sa luob ng bahay niya.














________________________________




































Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now