Chapter 17

1.7K 65 2
                                    




Lou's Pov.



"Lou!! Hestia!" Rinig kong sigaw ni Amer sa Labas.



Sigaw na parang natatakot na hindi alam ang gagawin.




Nakabalik na siya, saan ba siya nanggaling.





Lumabas kaming lahat. Iniwan ko si Hestia na naka handusay doon.




Paglabas ko ay nagulat ako nang madatnan ko si Amer na hawak hawak ng dalawang guardya. Takot na takot siya.







"Amer!?" Sigaw ko.




"Ano ang nangyari?? ano ang ginagawa ninyo sa asawa ko!!" Sigaw ko.





" Ano ang kaguluhang ito?" Tanong ni Lady Rhona.




"Lady.....nakita po namin si Ato Amer sa  Luksaan ninyo. Pumasok siya doon ng walang paalam at agad din namin siyang hinuli." Pagpapaliwanag ng Guardya.




Nagulat ako sa narinig ko.




Dahan dahan ang mga Aquarian na lumapit sa amin at nakikinig.





"Ano ang ibig mong sabihin??" Tanong ko sa mga Guardya.





"Maari mo bang ipaliwanag sa amin ato. Kung bakit ka pumasok doon?" Tanong ni Almar sa kanya.




Hindi nakapag salita si Amer.




"Batid kong marami ring nagrereklmong Aquarian na ninakawan sila." Dagdag ng Guardya.





"Ano ang gusto mong ipahayag?? na ang aking asawa ang nagnakaw???" Hindi ako makapaniwala na inaakusahan nila ang kawawa kong asawa.




Nawala tuloy sa isip ko si Hestia.





"Tama ata! Hindi ko kailan man nakita si Ato Amer na nagturo sa mga bata!" Sulpot ng Isang Babae.





Tumango tango ang ibang Aquarian.





"Hindi ko sinasabi iyan Ata. Paumanhin." Sabi ng Guardya.





"Hayaan nating magsalita si Ato" Sabi ni Almar.




Tinignan ko Si Amer. Dahandahan siyang yumuko.




"Tama ang sinasabi nila....." Mahinang sabi niya.





Kahit pa gaano ito kahina ay alam kong rinig ng lahat dahil sa katahimikan dito at tanging kulobog lang ng langit ang maririnig.




Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi makapaniwala.





"Ano ang ibig mong sabihin Amer!?" Sigaw ko sa kanya.






"Tama sila Lou! Itigil na natin to! Isasabi kona ang totoo!"



Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now