Chapter 14

1.8K 56 1
                                    


Lou's Pov.


Hindi kami nabiyayaan ng anak ng asawa ko. Dinadasal na namin arawaraw sa Statwa ni Lord Nalu, uminom na ako ng kahit anong klaseng potion pero hindi parin ito tumatalab. Naisipan naming sumuko nalang.




Hindi ako makakapag anak kaya lubos na lamang ang saya ko nang may nakita akong isang umiiyak na sanggol sa Sapa.



"Dios ko! sino ba ang walang awa ang nag bilin saiyo dito!" Hinawakan ko ang bata at kinarga ito.



Parang buwan pa lang ang batang ito.



Hindi ko alam pero iniisip ko na natupad na ang dati ko pang inaasam na magkaanak.




Alam kong isa sa mga batas ang huwag magpapa pasok ng dayuhan aa aming pugad. Pero ang bata naito ay hindi isang dayuhan......kundi siya ay biyaya galing sa Lord. Kailangan ko itong mahalin at alagaan.



"Simula ngayon anak na kita. Isa kanang aquarian. Ipapangalan ko sayo ay Hestia."


Nagdaan ang mga taon ay may mga napapansin akong kakaiba kay Hestia.




"Ama! may lumilitaw po na apoy doon!"



Yan parati ang maririnig ko sa kanya. Kung hindi apoy ay tubig at kidlat naman.



Hindi lang ang mga ganito ang napapansin ko. Napapansin koring may kinakausap siyang hindi nakikita.



"Salamat sa pag tulong mo sa akin kanina Apo! kahapon din niligtas mo ako grabe husay mo talaga!"



Pero habang tumatanda na siya ay hindi na naulit ang mga iyon. Hindi niya na rin iyon natandaan.





Ilang araw nang hindi umuuwi ang asawa ko. Hindi niya naman nasabi sa akin kung saan siya nagpunta.



"Stay there! don't go out!" Sigaw ko kay Hestia at lumabas na.



Habang tumatagal ay lumalala ang sitwasyon sa labas.



Alam ko na kalaunan din ay manghihina si Hestia.


Hindi siya totoong aquarian. Alam kong kalaunan ay lalabas din ang kapangyarihan niya.



Ang pinoproblema ko lang ay hindi ko alam kung saan siya nanggalin.



"Ata!" Rinig kong sigaw ni Almar sa akin. hinihingal sa kaka takbo.



"Eenspeksyonin ng mga kawal ang tig iisang bahay baka nandoon lang din sa loob ang dayuhan!" Sigaw niya sa akin.





Kumakalubkob na ang langit. umiitim na ang mga ulap.



"Tulungan mo kaming mag enspeksyon Ata!" Sabi ni Almar.




Hindi ako naka sagot agad. Hindi ko alam kung ano ang isasabi ko.




Kaya pala lumalala ang kalubkob, hindi ito dahil sa dalawang dayuhan. Kundi dahil kay Hestia.




"Ata??"



"Oo....Tutulong ako." Sabi ko at lumunok.



Iniisa isa namin ang mga kabahayan doon. Wala kaming ano mang nakita. Ang naiwan na hindi pa na nasuri ay tatlong bahay nalang.




At isa ang bahay ko doon.



















Tears of midnight Crystal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon