Chapter 30

1.5K 50 3
                                    







Walang ni isang kumibo sa amin nang sinabing iyon ng matanda. Napaisip rin ako kay Hestia. Maaring tama nga ang matandang babae na si Hestia iyon. Ang ikinalilito ko lang ay bakit may kapangyarihan siya gayong sabi niya sa akin na wala siyang kapangyarihan.




"Huwag niyo yang pansinin. Baliw yan." Sabi ng isang aquarian.




"Hindi. Totoo ang sinabi ng matanda. Nakita ko sa loob ng ipo ipo na iyon si Hestia. Lumilitaw." Sabi ko sa kanya.





"Teka? pano mo nalaman si Hestia?" Litong tanong niya sa akin.




"I've just met her at the forest. Matagal tagal na iyon. Sinabi niya sa akin na wala siyang kapangyarihan at masasabi ko nga iyon dahil walang marka ang kanyang mata."





"Teka teka? sino ba itong si Hestiang sinasabi ninyo? maari ba kayong magpaliwanag gayong naguguluhan kami dito" Ani ni Eunuch Lee. Sumang ayon ang mga Catharian.






"Si Hestia ang kauna unang bata na walang kapangyarihan dito sa Aquamarine. Pinaniniwalaang anak siya ng isa sa pinaka matandang aquarian dito. Si Ata Lou."



Sa kabusyhan ng mga Aquarian ay hindi ata nila napansin na may dayuhan na palang nakapasok sa campo nila.




"Sabi sabi pa nga ng mga aquarian na baka ay wala siyang kapangyarihan dahil may itim siyang magica. May isang araw nga na pumunta siya sa Enia, doon sa binibentahan ng mga potions. At pag lapit niya doon ay dahang dahang bumula ang mga potions"





Hindi makapaniwala ang mga catharian sa naging Kwento ng lalaki. Hindi din ako makapaniwala na magagawa ito ni Hestia.






Sa gitna ng pag uusap nila ay may napansin akong kahoy na may nakasabit na dalawang kadena. Hindi ko alam kung para saan iyon, sa tingin ko ay doon nila pinaparusahan ang mga lumalabag sa batas nila dito. May napansin akong dugo sa chain na iyon. Sa kahoy rin na pinatungan nito ay puno ng dugo.



Walang nakapansin sa pag alis ko dahil busy sila kaka rinig sa lalaking aquarian.
Pag lapit ko doon ay sumalubong sa akin ang amoy ng dugo. Masasabi mong matagal na nga ito dahil ang baho na talaga. Natutuyo na nga ang iba.




"Dito pinugutan ng Ulo ang first love ni Lord Nalu o sinasabing 'apple of eye'"



Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ng matandang babae kanina.



"Nagkakamali silang kalabanin ang batang si Hestia!!" Biglaang pag sigaw niya dahilan para maagaw namin ang attention nila.

Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now