Chapter 12

2K 44 2
                                    



Kohen's Pov.

Sa hapdi ng nararamdaman ko ay pumayag akong doon kami tutungo para lang mawala tong hapdi sa katawan ko.

"Nanghihina siya....... ibig sabihin ay lalabas ang kanyang kapangyarihan." Ani ng Ama ni Hestia.

"Isa itong senyales na lalabas ang kapangyarihan mo kapag nanghihina ka"


"Nakaaway mo ang isang Hellion." Ani ng Ama ni Hestia.


Hellion? Hindi ba't isa sila sa makapangyarihan? apoy ang kanilang kapangyarihan. Isang nagbabagang apoy. Galit na galit na apoy.



"Kaya ito humahapdi dahil apoy ang kapangyarihang nagamit laban sa iyo. Kung siguro ay isa ka lamang hamak na tao at hindi importante ay siguro ay pumanaw kana ngayon. Pero dahil lumalaban ang kapangyarihan sa katawan mo kaya ka nanatiling buhay."



Umalis siya at pumunta sa kusina, may Kinuha siyang isang maliit na mankok at kumuha rin siya ng isang pamilyar na bulaklak.




Magnolia Flower.





Isang bulaklak na makakapagpagamot sa anong sakit. Maari din itong gamitin sa mga potion o kaya witch craft.



Ito yung hinahanap ng mga cathan clan, andito lang pala sa mga Aquarian.





"Magnolia flower.......nasa kanila pala" bulong sa akin ni Ozry.




"Yes.....malapit lang sa amin ang tanimanan ng Magnolia. Nasa kampo nga namin ito" Nagulat ako nang magsalita ang Ama ni Hestia na nasa kusina.





"You heard it???" Nagtatakang tanong ni Ozry.





"Ofcourse, Aquarian have that kind of power. They can hear you even if you're miles away." Sabi ni Hestia.




Right. They're water, what did we expect?



Kalaunan ay lumapit na sa amin ang Ama na may dalang mankok na puno ng tubig. Inilagay niya ito sa maliit na lamesa at kinuha ang Magnolia flower pagkatapos ay pinalutang ito sa tubig.



"Mag antay kayo ng tatlong minuto at maari monang inumin Hijo" Ani niya.



Inumin? hindi ba ay pigapigain nila ito at ilagay kung saan ang sakit? iba ba sakanila dito?



Nag antay kami ng ilang minuto at pinainum niya na sa akin ang buong tubig sa mankok.



Busog na busog ang tiyan ko.



may narinig kaming kidlat galing sa itaas. Sa una ay mahina pa ito pero kalaunan ay lumalakas na ang kidlat. Para itong galit na galit na kidlat.



Lumapit ang Ama sa bintana at sumilip.



"Mag-ingat kayo, baka may maka kita sainyo. Hindi kayo pwedeng magtagal dito kundi ma hihigop namin ang kapangyarihan ninyo, o di kaya ay kayo ang maka higop sa amin! alis na!" na tatarantang sabi ng Matanda. Agad kaming tumayo ni Ozry at lumabas. Wala kaming nakitang tao sa labas kaya agad kaming tumakbo papuntang gubat.



Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makabuo ng portal at makauwi na sa amin.




**

Hestia's Pov.

Naka silip kami ni Ama sa bintana, pinagmamasdan ang dalawa sa pag iingat nilang pag takbo patungo sa gubat.

Nabigla ako nang hinawakan ni Ama ang kamay ko at hinila papuntang kwarto.


"Ano ba ang nasa iyong isipan at pinapunta mo ang hindi Aquarian sa Clan natin!" Galit na sigaw ni Ama sa akin.


"Ama, kailangan nila ng tulong....
eh wala na akong magagawa kundi dalhin dito" dahan dahan kong sabi sa kanya.



"Heste! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede kang maka tulong ang nakalala pa doon ay pinapapasok mo sila sa clan natin! you know the rules! gusto mo bang maparusahan tayo??"





Magnolia Flower:

Magnolia Flower:

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.





Tears of midnight Crystal Onde histórias criam vida. Descubra agora