Chapter 42

645 7 4
                                    



"Ako?"

Tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Hindi, iyang babae sa tabi mo" sabi ng isang elgens at tumingin kay Moon.

Moon smirked at them then glared at me.

"I guess it's my time?" She whispered.

Binuksan niya ang dalawang palad niya at itinaas ito hanggang siko niya. May lumitaw na maliit na butil ng tubig sa itaas ng naka buka niyang palad. May binulong siya sa sarili niya.

Galing sa maliit na butil ng tubig ay dahan dahan itong lumaki ng lumaki.

Kung si Sun ay may  sense ng energy ng tubig, si Moon naman ang may kayang ma summon ang tubig. Ang kapangyarihang niyan ay magagawa lang ng mga aquarian.... Paano nila ito nagagawa?

Ramdam ko ang mangha sa paligid namin.

"Hindi ko na alam kong paano patigilin to!" Sigaw ni Moon.

Napalaki ang mata ko nang marinig ko ang sigaw niya. Agad kong tinakpan ang nakabukas niyang palad at unti unting humopa ang tubig.

"Agh!" sigaw niya at agad na inalis ang kanyang palad sa hawak ko.

"Ang init ng palad mo! Paro akong napapaso!" Turo niya sa palad ko.

Napatingin din ako doon at napagtantonang namumula ang mga kamay ko, wala akong naramdaman na init o kung ano pero nakakasiguro akong apoy itong nasa palad ko.

Tinignan ako ng lahat ng mga tao doon, pati nadin ang elgens.

"Apoy ang kapangyarihan mo?" Tanong sa akin ni Moon.

Agad na nag react ang mga tao sa paligid.

"Wala pang ni isang Hellion na naka pasok dito sa clan natin ah?" Rinig kong sambit.

Hindi ko pa alam ang kapangyarihan ko. Hindi ako nakakasiguradong apoy ba talaga ang kapangyarihan ko.

Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now