Chapter 29

1.5K 42 1
                                    







"Lahat kami ay nangangailangan ng tulong. Lahat ng bahay, kabuhayan ng Aquarian ay nasira! Masasabi kong ako nalanh siguro ang makakalakad sa kanila. Ang iba ay pumanaw na! ang iba ay may sugat." Seeing how the man cried and begged Infront of us reminds me of my family. Ganito din ba sila nagmakaawa dahil nasasaktan na sila? ganito din ba sila umiiyak?





"Kung gusto niyo. Samahan niyo ako sa clan namin. Para maniwala kayo sa akin." Mahinang sabi niya at sabay sabay na tumulo ang luha.



"Huwag kayong maniwala! ito ay isang kasinungalingan lamang! Baka pa nga ay trap ito!" Sigaw ng isang babae.




"Hindi....hindi ito trap! Wala naman din kaming makukuha sa inyo kasi alam kong lahat ng Gemstone ay nakuha na ni Hestia!" I froze when he mentioned a very familiar name. Si Hestia? siya ba ang babaeng nasa loob ng ipo ipo? siya ba ang nawawalang anak ng panganay na kapatid??





"Sige. Pupunta kami." Sabi ko dahilan na napatingin ang nga Aquarian sa akin at gulat na gulat.




"Are you sure hijo? Hindi natin maasahab iyan." Bulong sa akin ng Eunuch.




"I know all clans today have experienced what we have experienced. And it's even worse in the Aquarian clan because the tornado came from them"




Sabay sabay naming nilakad ang daan patungo sa mga Aquarian. May iniwan akong limang bantay doon.




Ang tanging nadatnan namin doon ay ang mga nakahigang aquarian at ang halos walang takip nilang bahay.




Busy ang lahat sa pag gamot ng kapwa aquarian nila kay hindi nila napansin ang pagdating namin.



"Ang halimaw na si Hestia ang may kagagawan ng lahat ng ito!" Ani ng Aquarian.




"Nakuha niya ang lahat ng kapangyarihan namin. Nahigop niya ang lahat ng kapangyarihan at nakuha ang gemstone ni lord Nalu. At alam kong ganoon din ang nangyari sainyo."




Tama siya. Nawala ang kapangyarihan namin simula noong araw na iyon.





Pinuntahan namin ang templo ng aquamarine. Nawasak ito lahat.





"Pati ang daloy ng tubig ay nawala. Wala nga kaming maiinom dito." Sabi niya.





Sa gitna ng pag masid masid namin sa paligid ay may matandang babaeng biglang lumapit sa amin.




"Naku! parating na ang araw! malapit ng bumalik ang magkapatid! lalo na at nakompleto na ang Gemstone. Nag kakamali kayong kalabanin ang batang babaeng si Hestia, sapagkat ang nawawalang anak ni Drach ay bumalik na!" Ani niya at umalis na.


































Tears of midnight Crystal Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt