Chapter 33

1.3K 35 0
                                    






"Labas kayo! labas!" dali daling pinalabas ng matanda ang mga bata at nilock ang pinto.




"Ang gemstone at ang Magnolia...." Bulong niya.




"Bakit nasakanya ang mga ito???"




Dahandahang gumalaw ang mga daliri ni Hestia at biglang bumukas ang mga mata. May kung anong kapangyarihan ang pumalibot sa kanya at dahan dahan siyang lumitaw sa hangin.
Ilang minuto ang lumipas ay nakababa na siya at bumalik sa wisyo.





The old woman unleashed her power and aimed it at Hestia. Hestia was now surrounded by a black bubble,sa ganoon ay hindi siya basta bastang makakalabas sa bulang iyon at hindi niya mailalabas ang kapangyarihan niya.






"Sino ka!? bakit nasaiyo at tatlong Gemstone??" Tanong ng Matanda.







"Hindi ko alam......Ang na alala ko lang ay galit ako."






"Galit na galit na gusto kong patayin ang nasa paligid ko. Itinaboy ako ng sarili kong kadugo at itinuring na basura. Pinatay pa nila sa harap ko ang kawawa kong Ina. Pero nang malaman ko na hindi nila ako totoong anak ay dumoble ang galit ko. Sa galit ko ay hindi ko na ma kontrol ang lahat." Mahinang kwento ni Hestia sa Matanda.







"Saang clan ka galing?" Tanong niya.






"Sa Aquamarine."






"Isa kang aquarian?" Tanong niya.






"Hindi. Hindi ako kabilang sa kanila, wala pa akong kapangyarihan dati, pero ngayon na meron na, hindi ko alam kung saan ako nabibilang" Ani ni Hestia.







"Hindi mo basta bastang makuha ang Gemstone naito Bata. Pwera nalang kung malakas ang iyong kapangyarihan, gaano ba ito kalakas at nakuha mo ang lahat ng kapangyarihan" Ani ng matanda at agad na kinuha ang bula na nakapalibot kay Hestia.






"Nawasak ko campo ng bawat clan. Nahigop ko ang kapangyarihan ng bawat isa."






Kinuha ng Matanda ang bula kay Hestia at lumapit dito. Tinignan niya ang marka sa mga mata ni Hestia.






"Ang kulay ng iyong marka."





"Nagpapahiwatig na isa kang Koata" Nagulat si Hestia sa mismong narinig galing sa Matanda.





Kilala ang mga Koata sa isa sa may pinaka malakas na kapangyarihan sa lahat, kaya hindi ito makapaniwala na isa siya sa mga ito.




"Ata! ata!" sigaw ng kung sino man sinabayan ng malakas na katok sa pinto.





Binuksan ito ng Matanda,






"Lumiliwanag ang Gemstones!!"



























Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now