Chapter 40

977 12 3
                                    



Hestia's Pov.

"Bakit mo alam ang mga ito? Nakapunta ka naba sa iba't ibang clan?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa siya, "pwede baiyan? Hays, kung pwede lang sana Hestia! Nilibot kona tong buong mundo. Napaka strikto ng iba't ibang clan. Sa strikto nila ay pati ang kapwa nila ay pinaghihinilaan nalang na isang dayuhan."

Tinignan ko ang bandang kanan kung saan niya itinuro ang Aquamarine clan. Hindi tulad ng ibang clan ang Aquamarine clan lang ang walang ilaw, na parang wala ng tumitira, na parang wala ng buhay.

Tama si Moon. Sa strikto nila ay pati kapwa nila ay napaghihinalaan nalang na isang dayuhan. Kung hindi ba ako napasok bilang dayuhan sa Aquamarine clan ay buhay pa siguro sina Apa at Ama ngayon.

"Buti nalang at nakapasok ka dito at hindi napaparusahan"

"Paparusahan?" Naguguluhan kong tanong.

Tumango siya at tumingin sa akin. "May kilala akong babae na isang dayuhan, nakita lang din siya ng isang koa, pero hindi siya nakatakas sa pagiging dayuhan niya. Pinarusahan siya at kinulong pa ng ilang buwan bago naka pasok dito sa Elgens House. At alam mo ba kung sino ang taong iyon?"

Lumingolingo ako.

" Si ata Layka." Lumaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Paano? Paano siya naging Elgens ngayon?" Isa siya sa mga Elgens na malapit sa amin.

"Siya din ang kumupkop sa amin nang makita niya kami sa isang sapa. Kaming dalawa ni Sun"

Sapa? Paano sila nagawang iwan ng magulang nila sa sapa?

"I know you're wondering kung bakit sa sapa" she laughed. "Ewan din namin ni Sun. Hindi pa kasi namin natanong yung Ama namin, kung asan mn siya ngayon" she smiled at me.

" pasok na tayo? Anong oras na" tumango ako at agad naman kaming pumasok sa loob bago pa kami mahuli ng mga elgens.

Napaisip ako bigla. Naayon ang sitwasyon ni Sun sa sitwasyon ko. Kagaya ng mga tanong niya. Asan kaya ang Ama ko? Ang totoo kong Ama. Pero kahit na hindi ko totoong Ama si Ama Lou mahal ko parin siya. Na parang totoo ko siyang Ama.

Gumising ako kinabukasan sa hindi ko maintindihang panaginip. Kagaya ng panaginip ko dati noong nasa Aquamarine pa ako, isang hindi ka panipaniwalang panaginip na naman.

Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now