Chapter 24

1.8K 52 0
                                    



Hestia's Pov.


Gusto kong puntahan si Ama, pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil naka gapos ito.


Lungkot at awa ang nadama ko sa kanilang dalawa. Dahil ito sa akin.



Wala akong ka alam alam sa nangyari.


Tumingin ako sa langit. Na wala na ang itim nito, wala narin ang kalubkob. Kagabi lang ay sobrang galit ito. Hindi ko alam kung bakit iyon naging ganoon.



"Halimaw!" Sigaw nang isang babae sabay tapon sa akin ng bulok na pagkain.

"Dapat pala dati palang, pina paalis nayang malas na halimaw dito! hindi naman pala aquarian yan!" Sunod sunod na sigaw ang naririnig ko.

Hindi agad na proseso sa isip ko ang sigaw niya sa akin.


Hindi ako aquarian??


Huminto lang ang sigawan nila nang dumating ang mga guardya kasama si Lady Rhona at si

"Apa!?" Sigaw ko kay Apa nang makita ko ang duguan niyang mukha.



Kita ko ang mga pasa pasa sa mukha ni Apa. Ang naka gapos niyang mga kamay at ang punoang dugo na damit niya.

Wala silang ka awa awa! paano nila ito nagawa sa amin? sa aking pamilya??



"Patayin!! Patayin!!" Ulit ulit nilang sigaw.



Malakas ang pintig ng puso ko.



Dinala nila sa Apa sa tabi ko. Pina luhod sa malalaking bato. Alam kong masakit ito kasi ganyan din ang posisyon ko ngayon. Hindi kona nga lang naramdaman ang sakit. Wala pang mas ikakasakit sa pamilya mong nag durusa na hindi mo man lang alam ang dahilan.



"Ngayon Ato Amer. Hindi mo parin ba aminin sa amin?" Lady Rhona ask Apa.


Aminin ang alin?



Kaya ba nila pinarusahan si Apa??



"Apa......" Tawag ko sa kanya.



Lumingon siya sa akin.


Kita ko sa mga mata niya ang pagod at takot.


Parang pinipiga ang puso kong makikita ko silang nasasaktan. Hindi lang pinipiga. Para narin akong pinatay.



Tumingin siya kay Ama at Kay Almar na ngayon ay hinang hina na kahit sa simpleng pag dilat nila sa mga mata nila ay hindi nila magawa.


Naka tayo si Ama at Almar. Hawak hawak parin ng mga guardya ang nakagapos nilang kamay.



"Itapat ang Espada sa leeg ni ata lo-"



Sigaw ni Lady Rhona na agad namang pintulol ni Apa.




"Huwag!! Huwag maawa ka Lady Rhona! Huwag mong idamay ang pamilya ko dito!!" Hagulgol ni Apa.


Tumulo ang luha ko nang marinig ko at makita ang desperadong pagmamakaawa ni Apa.



"Oo! Nag nakaw ako! Hindi ako guro! Hindi ako kailan man naging guro
......" He paused



Para akong nabingi sa narinig ko.




"Pangarap ko iyon pero hindi sapat ang kapangyarihan ko para mag turo! Sinabi kona sainyo iyan kanina! Maawa ka!"




"Hindi lang yan ang sinabi mo kanina Ato. Isabi mo sa kanila ngayon."







Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now