Chapter 31

1.5K 37 0
                                    



Narrator's Pov.




Hestia didn't let anyone out of the three clans. Lahat ng ito ay wasak na wasak. Even their Gemstone was also obtained by Hestia. Hestia was brought by her Power to the Koa clan. Nagkagulo sila nang dalhin si Hestia doon ng walang malay.





"Ata! May batang walang malay dito!" Ani ng isang batang lalaki.






Hindi kagaya sa ibang clan ang koa clan na ito. Pagkatapos ng matinding bakbakan ng magkakapatid noon ay namuhay ng simple ang koa clan.





Lumapit ang ata sa nagkakagulong koata.




"Ano ang nangyari? saan galing ang batang ito?" Tanong ng Ata.




"Hindi po namin alam ata. Naabotan nalang namin siyang nakahiga dito." Kwento ng batang lalaki.





"May dala siyang bag oh! punong puno! ano kayang laman neto?" usisa ng babae at muntik ng hawakan ang bag ni Hestia ngunit pinigilan siya ng Ata.





"Huwag ninyong paki alaman ang gamit ng bata!" Sigaw niya sa mga ito.





"Halika! Tulungan nnyo akong buhatin ang bata sa bahay ko at magamot na." Utos niya sa mga bata at agad naman nilang sinunod ang utos ng ata.






Gamit ang kapangyarihan ng ata ay sinubukan niyang gamotin si Hestia. Ilang minutong lumipas ay wala paring nangyari.






"Hindi tumalab ang panggagamot ko sa batang ito. Kung hindi lang sana kinuha ng aquamarine ang mabisang bulaklak na gamot edi sana may panggamot na tayo." ani ng ata.






"Buksan mo nalang kaya yung bag niya ata, baka kasi may importanteng gamit diyaan. Upang malaman natin kung saan siya nanggaling o kung sino siya." Ani ng isang batang lalaki.






Napaisip ang ata at dahandahang kinuha ang bag ni Hestia. Nagulat siya dahil pag angat niya sa bag ay mabigat ito. Dahan dahan niyang binuksan at parang mabulag ang mga mata nila nang may kung anong sumidlak sa loob ng bag.




Nalaglag ang panga nila ng makita nila ang gemstone ng tatlong clan sa loob ng bag. Kasama ng Gemstone ay ang limang bulaklak ng Mongolia flower.





"Ang mga-   Ang mga Gemstone!?"





















Tears of midnight Crystal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon