Chapter 18

1.7K 54 6
                                    


Lou's Pov.


"Tama sila Lou! Itigil na natin to! Isasabi kona ang totoo!"



Ano ang ititigil?? hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Amer.



"Hindi ako guro! hindi ako kailan man naging guro! oo Pangarap ko iyon, pero....pero hindi sapat ang kapangyarihan ko para magturo! hindi ako ganoon ka makapangyarihan!!" Sigaw sa Akin ni Amer.




Hindi totoo iyan.



Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya.




"Kung ganoon. Saan galing ang mga alahas na nireregalo mo sa amin ni Hestia Taon taon. Saan galing ang kamoteng inuuwi mo para lang may mapakain kay Hestia dahil paborito niya iyon! saan galing ang lahat ng iyon!?" Hindi makapaniwala sigaw ko sa kanya. Namumuo na ang luha sa aking mga mata.




"Kung ganoon. Ay magnanakaw ka Ato Amer?" Tanong ni Lady Rhona.



Lahat ay nagulat sa nasabi ng lady.



"Hindi!! Hindi magnanakaw ang asawa ko! Isabi mo sa kanila na hindi Amer! ano ba ang sinasabi mo!" Sigaw ko kay Amer.



Pero parang wala siyang narinig. Nakayuko ang mga ulo. Hawak hawak parin ng Guardya.



"Silence means Yes. Ikulong sa Luksaan!" Sigaw ni Lady Rhona sa nga Guardya, at agad namang dinala si Amer doon.



"Pasensya na..." Huling narinig kong bulong niya sa akin nang dumaan sila.



Napaluhod ako. Nanghihina. Hindi alam ang gagawin.



Pumasok sa isip ko si Hestia. Siya nalang ang natira sa akin. Hindi dapat ako susuko. Ililigtas ko ang anak ko.

Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now