Chapter 8

2.4K 75 2
                                    

Narrator's Pov.

"Ama! Ama!....." Sigaw ni Heste sa Ama niya habang papasok ng bahay.




"Oh Heste?? Bakit? Anong nangyari?? bakit ka sumisigaw??"




"Yung- yung mga Tao! Sinasabing may maitin na magica daw na sumanib sa akin!"




Lubos na lamang ang galit sa mukha ni Lou nang marinig niya ito galing sa kanyang anak.




Agad siyang pumunta sa Enia at hinarap ang mga tao doon. Lahat ng mga taga Cathan ay kilala siya bilang isa sa mga matatandang Ata sa clan nila, Kaya nirerespeto nila si Lou.





"Sinong nag sabi sainyong may maitim na Magic ang Anak ko??" Galit na sigaw niya.




Walang nag salita sa kanila.





"Huwag ninyong idamay ang anak ko sa ka chismisan ninyo! pag may mararating pang salita sa akin tungkol kay Heste. Humanda kayo sa akin." Agad siyang umalis. Iniwan ang mga taong naka nganga doon sa biglaang pag sulong ni Lou sa kanila.





"Ano yon?? sino yon?" Galit na tanong ng babaeng bago pa lang sa Cathan clan. Si Rale.





"Ah si Ata Lou. Isa siya sa pinaka matandang babae sa Cathan clan." Sabi nang babae habang tinitignan nila si Lou na naglalakad papaalis.





"Bakit? natatakot kayo sa matandang iyon? mukhang wala nga yong kapangyarihan kasi walang kapangyarihan ang anak non"






"Shhhh huwag kang magkakamaling kalabanin si Ata. Wala kang laban doon, sa kanya bumubuto sina Lady at Almar. Makapangyarihan sila dito." Natatakot na sabi ng Babae.






Natahimik naman si Rale.


****




Hestia's Pov.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Si Ama.


Agad akong lumabas ng kwarto at nilapitan siya.




Umupo siya, Humihingal pa. Ano ba ang ginawa niya? asan ba siya galing.




"Ama?......" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ibinuka ang mga kamay para sa yakap.






Pag yakap ko ay malamig siya.






"Ano po bang nangyari?" Nag alalang tanong ko sa kanya.





"Wala Heste. Magluto kana ng tanghalian at uuwi na ang Apa mo ngayon"




Pumunta ako sa kusina at nag luto ng Kamote para sa tanghalian.



Iniisip parin kung ano ang ginawa ni Ama at bakit ang lamig niya at humihingal. Namumutla.


****




Narrator's Pov.

Nanlalamig, namumutla, humihingal. Ang ibig sabihin noon ay lumalabas ang kapangyarihan ni Lou. Na kapag galit na galit siya ay lumalabas ang kapangyarihan niya.




Kung nagtagal siya doon ng ilang minuto sa Enia ay siguro ay doon siya sasabog at lalabas ang kapangyarihan.



Sa mga bata ay active ang kapangyarihan nila pero sa mga matatanda ay lalabas nalang ito kung galit sila.




________________________________



Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now