Chapter 44

626 10 7
                                    



"What are you doing?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulong sa tenga ko.

Isang matangkad na babae at may dala dalang espada. Kakatpos lang ata ng pag eensayo niya, pawisan pa.

"Hah? wala pamilyar lang" sabi ko sa kanya. At nag iwas ng tingin sa lalaki.

"Wag kang lumapit diyan. Kinakatakotan yan ng lahat dito kaya walang kaibigan yan." Sabi niya sa akin habang tinitignan ang lalaki. Napa tingin din ulit ako doon.

Mataas buhok niya at may pagka puti din ang kulay, hindi ko masyadong maaninag ang mukha pero sa side profile palang niya at sa galawan niya habang kinokontrol ang kapangyarihan niyang apoy, nasisimot kona ang pamilyar sa kanya.

"Bago ka diba? From elgens?" Tanong niya sa akin at tumingin sa dala dala kong gamit.

"Ah oo, hindi ko pa nga alam kung saan ang pwesto ko"

"Sa amin ka nalang! May isa pa kaming kulang." Sabi niya at ngumiti.

"Talaga? Hindi ba bawal?" Tanong ko. Baka kasi parehas lang din kay Ata na tinitirhan ko dati, bawal.

"Hmm.. ano bang klaseng level ang kapangyarihan mo?" Tanong niya sa akin.

"Hah? Ahhh..." napaisip pa ako. Ano nga ulit yung mga lebel? Plus hindi ko pa alam kung anong lebel ako kasi hindi ko pa alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ako.

"Ganito nalang. Hanggat hindi mo pa alam kung anong lebel ka. Sa amin ka nalang muna pansamantala."

Ngumiti ako, sus buti nalang at huminto ako at tumitig sa lalaking mataas ang buhok. Dahil kung hindi! Sino kaya ang lalapit sa akin dito at anyayahan akong sakanila nalang din pumwesto.

Swerte ko ngayon hah.

Malayo layo pa ang lalakarin namin plus mabibigat pa na dala na gamit. Gaano ba kalawak at kalaki ang paaralan na ito.

"Sa isang kwarto, tatlong estudyante ang pumipwesto. Na timing lang din na nadalawa lang kami kasa na drop out ang isa. Swerte ka at nakita kita. Dahil kung hindi, hindi ko na alam kung saan ka matutulog." Sabi niya habang papa akyat na kami sa 3 story building.

Parang ang luma na ng building na ito. Pero matibay pa naman tignan. Walang masyadong disinyo kaya napaka boring tignan.

Nang dumaan kami sa hall way may mga pictures dingding, mga estudyante din ata dito.

"Bawat building ay may pumwepwesto bawat level. Kagaya dito sa amin pederosa means powerful. Average lang ang makakaya namin, at yan na ang standard dito. Ni isa sa amin dito ay walang fuerte." Pag kwento niya sa akin.

Sa wakas ay naka rating na kami sa kwarto. Room 034. Pag pasok ko doon sumalubong ka agad ang liwanag na ng galing sa sa isang lamesa. May babae ding naka tayo doon, at mukhang galing pa sa kanya ang liwanag.

"Ano yan?" Tanong ko sa babae.

"Krizel! Stop it! We have ả visitor!" Sigaw ng babae. Saka pa dahan dahang nawala ang ilaw.

"What visitor?"ani niya at tumingin sa amin, tinanggal ang sunglasses.

"Ahh...hi! I'm Hestia" pagpapakilala ko.

Tinitigan niya ako simula paa hanggang ulo. Saka tinitigan ang isang babae.

"Oh, tingin tingin mo, sabi ko naman sayo may ipapalit tayo agad." Sabi ng babae.

"Kasha, hindi ko na kailangan ng isa pang kaibigan. Okay kana." Sabi niya at bumalik na sa ginagawa.

"Pag pasensyahan mona, ganyan lang yan kasi sa simula palang, maging mas close pa siguro kayong dalawa pag matagal na" sabi niya at tinulungan akong iligay ang mga gamit sa isang maliit na kabinet.

May isang bunkbed at isang kama naman sa kabila, sa kama ako pumwesto kasi nasa bunkbed silang dalawa. May tatlong kabinet din. Dalawang malalaki at isang maliit, yung akin. Wala silang lamesa at kusina, baka kagaya din ito sa elgens na sabay sabay kaming kakain lahat.

Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now