Chapter 37

1K 19 0
                                    




Kinabukasan ay inutusan kami ng
ga elgens na mag igib ng tubig. Hindi ko alam kung paano mag igib or how it works kasi hindi naman kami ganito sa Aquamarine at Isa pa hindi ka mahihirapan doon kasi kahit saan ka mag punta may umaagos na tubig.




Dinala namin itong malaking karaton na may lalagyan ng tubig sa loob. Apat kami na nagtutulak sa karaton. Dalawa kaming babae at dalawang lalaki naman sa likod. May dalawa din kaming kasama, sila ang mag iigib sa tubig.




Medyo malayolayo pala ang sapa nila dito. Hindi kagaya sa Aquamarine na maraming sapa at halos katabi lang ng mga bahay.




Bakit ko nga ba ekinokompara ang dalawang clan?? Alam ko namang puro tubig lang talaga ang Aquamarine dahil doon sila kumukuha ng lakas at kapangyarihan.




Sa wakas ay nakarating na kami dito sa maliit nilang sapa. Hindi lang pala kami ang nandoon. Marami ding mga taong nag iigib doon. Maliit lang ang sapa nila, at kahit papano ay malinis Din naman ito.Dahandahan na nilang nilagay ang tubig gamit ang tabo na malaki.




Nang makabalik kami ay may nadaanan kaming mga batang nag eensayo ng kapangyarihan nila.



"Yan ang escuela. Diyan nila natutunan kung paano maipalabas at makontrol ang iyong kapangyarihan." Napansin siguro ni Moon na kuryuso ako sa natatanaw ko.



Escuela? wala namang ganyan sa amin doon.


"ang mga anak ng mga Lojusa lang ang nababagay riyan. Kung hindi ka naman lojusa ay isa kang poderosa."


Ngayon ko lang nababatid na ibaiba pala ang lengwahe nami.



"May tatlong Tipo ng kapangyarihan. Isa kang Paqueña kung may kakayahan kang pa andarin ang isang bagay, o bigyang buhay ang isang bagay.  Ang poderoso naman ay may kakayahan kang kontrolin ang mga bagay. Kontrolin ang panahon. At isa kang fuerte kung kaya gawin ang lahat. Kung nasa iyo ang lahat ng kapangyarihan na wala sa iba. Na hindi makakaya ng iba." Kwento niya sa akin nang makarating na kami sa bahay ng mga elgens.




"May ganyan bang tao ngayon?" Tanong ko.



"Wala. Wala pang ganyan. Pati nga ang mga dating lord ay wala sa kanila ang nakakuhang ganyang kapangyarihan. Lahat ng mga tao ay nasa poderoso o Paqueña."



"Eh anong tawag sa mga taong hindi pa alam kung anong tipong kapangyarihan ang meron sila?"



She laughed.



"Walang ganyang tao. Lahat natin alam ang kapangyarihan natin."



Kagaya ko.




_______________________________

*Escuela is a Spanish word of school.

Paqueña- Little.
Poderosa-powerful.
fuerte-Strongest.

Tears of midnight Crystal Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt