Chapter 27

1.5K 50 4
                                    



Hestia's Pov.



Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko iyon galing sa aking Apa. Hindi ko alam na imbis na iiyak ako ay galit ang nararamdaman ko. Galit sa aking mga magulang. Kung bakit nila ito nagawa sa akin. Kung bakit nila nagawang itago sa akin ito.



"Taksil ka!" Sigaw ni Ama kay Apa.



"At dahil lumabag kayo sa batas. Kailangan namin kayong patayin. Pag pasensyahan niyo na ako. Gusto ko lang mailayo sa kapahamakan ang aking Anak at ang Templo." Ani ni Lady Rhona.



"Putulin na ang mga leeg nila!" Utos niya sa mga guardya.



Hindi ko alam pero naubos na ang luha ko. Wala ng kahit kunting tubig na lumabas sa mga mata ko.






"Hindi!" Sigaw ni Apa.






Nakita ko na lamang ang dugong nag kalat sa sahig at ang pugot na ulong si Ama na nakahiga na sa sahig.





At kasunod nito. Ang aking apa. na pugot nadin ang ulo.



Doon na lamang sumabog ang galit ko nang tuluyan nilang pinatay si Ama. Dumaplis sa mukha ko ang dugong lumabas kay Ama. Hindi man lang ako pumikit.





***




Narrator's Pov.





The sky turned black and it started to rain. Along with Hestia's anger, they heard a sound like a drum from the sky. Aquarians do not know what happened.




Nagkagulo ang mga Aquarian. Ang iha ay umiiyak na sa takot.


"Ang mata!!" Rinig nilang sigaw ng Isang batang babae at itinuro si Hestia.


Lubos na lamang ang gulat sa mga mata nila nang makita nila ang duguang mukha ni Hestia at nangingitim na mata.




"Ang maitin na magica a??" Tanong ng isang babae.




"Hindi. Hindi ito magica." biglaang sulpot ng matandang babae at tinignan si Hestia.



Para bang kinokontrol niya ang langit sa galit niya.



"Lumabas na ang kanyang kapangyarihan." Ani ng Matanda.




"Anong pinag sasabi mo Ata?" Naguguluhang sabi ng babae.



"Imposibleng may kapangyarihan yan! hindi iyan galing dito!" Sigaw naman ng isang babae.




"Mag ingat kayo. Delikado pag sumabog ang bomba." Ani ng matandang babae at umalis na.











Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now