Chapter 10

2.2K 47 1
                                    


Narrator's Pov.



Nabangga si Kohen sa isang malaking kahoy dahilan para mabagok ang ulo niya at dumugo ito.



Napansin ng kalaban na nanghina si Kohen kaya kinuha niya ang pagkakataong labanan siya. Agad niyang inilabas ang kanyang espada at itinapat ito kay Kohen, dahan dahan niyang itinaas ang espada at tatamaan na sana si Kohen nang may narinig silang isang tawag galing sa malayo.




"Kohen!!!" Sigaw nang isang pamilyar na boses sa malayo.



Agad na nasindak ang kalaban at dali daling tumakbo pabalik sa kanilang teretoryo.




"Kohen?.......Kohen!!?" Sigaw ni Ozry at agad na lumapit kay Kohen na naka handusay sa malaking punuan na duguan.



"Ano ang nangyari!? Inatake kaba?? Asan ang kalaban??" Sunod sunod na tanong ni Ozry kay Kohen.





"We've been looking for you kanina pa! Kasi may kutob akong may mangyayari sayo! And here you are, laying, bleeding! Omygash!"Panggagalit ni Ozry.




"Halikana, alalayan kita at makapabalik na tayo para magamot na ang mga pasa mo." Sabi ni Ozry.




inaalalayan siya ni Ozry sa pag tayo, nakaramdam siya ng hapdi sa likuran at paahan niya, kaya umupo siya at napagtantong hindi siya makaka lakad sa ganoong sitwasyon.




"Rafael was on the other side of this forest! looking for you there. malabong mapupuntahan niya tayo dito at paniniguradong umuwi na iyon sa kanila!"




Bigla silang natahimik nang maka rinig sila nang apak galing sa unahan.




"Ano iyon?" Nanghihinang tanong ni Kohen.




"Kalaban......" Bulong ni Ozry at dahan dahang tumayo at binunot ang espada.




"Diyaan ka lang" Sabi niya kay Kohen at tinignan ang paligid.




Laking gulat niya na lang na may lumapit sa kanilang isang dalagita.



Si Hestia.




"Isang kalaban! Huwag kang lumapit sa amin!"Natatarantang sigaw ni Ozry kay Hestia at tinutok sa kanya ang espada.




Lumaki ang mga mata ni Hestia nang mapagtanto niya iyon.




"Hindi! hindi ako kalaban!!" Ani ni Hestia.





"Ozry, Hindi siya kalaban......kaibigan ko siya" Mahinang sabi ni Kohen kay Ozry.





"What?" Naguguluhang tanong ni Ozry, hindi parin binaba ang espada.





"Can you put that thing down?" Sabi ni Hestia at inilayo sa kanya ang espada.






"Maari mo bang ipaliwanag sa akin ang nangyari Kohen??" Tanong ni Ozry sa kanya.





Hindi nakapag salita si Kohen. Iniinda pa ang sakit dito.





"You're hurt??" Tanong agad ni Hestia, hindi pinapanasin si Ozry.





****





Hestia's Pov.


Nagpa alam ako kay Ama na may pupuntahan lang ako, hindi niya alam na tumakas na pala ako para pumunta ng gubat. Hindi ko alam kung bakit nga ba pinagbabawal kami na pumunta dito, o maki salamuha ng taga ibang clan. Ano ba ang meron sa kanila?




Yan ang iniisip ko habang pumapasok ako sa gubat.




Sa malayong banda ay may natinag akong lalaking medjo may kahabaan ang buhok, nakita ko ring may hinahawakan siya espada at nakatapat ito sa isang lalaking nakahiga na sa lupa. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki sapagkat ay malayolayo sila sa akin.





Napagmasdan ko ang pag angat ng espada ng lalaking mahaba sa lalaking nakahiga. Napatakip ako sa bibig ko at pinikit ang mata nang tinamaan niya ito.



"Kohen!!" Rinig kong may tumawag sa pamilyar na pangalan. Ito ay tinig ng isang babae.



Dahandahan king binuksan ang aking mga mata at nagtaka nang mawala ang lalaking mataas ang buhok at tanging ang lalaking nakahandusay nalang ang nandoon.

























Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now